Chapter 13

1K 37 21
                                    

"Nagseselos ka ba?"

"Ako, magseselos?! No!"

"Asus, crush mo lang ako ee. Nahihiya ka lang aminin. Wag kang mag-alala crush din kita. Yiieee.."

"Tss.."

--

Nanoot sa aking ilong ang napakamanly at napakabangong pabango na may kasamang natural body scent nya ng malampas sya sa amin?

Ilang perfume kaya nililigo nitong Langga ko?

Ilang minuto kaya syang naghihilod kapag naliligo?

Hindi na ako magtataka kung kahit ilang araw na syang hindi maliligo ay hindi sya mangangamoy at kahit hindi rin maghilod ng ilang linggo ay for sure, wala pa rin syang libag. Gosh! What am i thinking?

Nagtatampo ang langga ko, iniisip ko pa kung may libag ba sya o wala. Kaloka ka Lovely!

"Oy, teka lang naman Langga, hindi naman kasi kami naglalandian ee!" Ingat na ingat akong tumakbo habang hinahabol sya dahil baka matapon ang mga ulam na niluto ko para sa kanya.

Hindi nya parin ako pinapakinggan.

"Lovely!" Rinig kong tawag sa akin ni Jomar pero hindi ko na sya pinansin o nilingon man lang. Mas importanteng maabutan ko si Ken. Buo na ang desisyon kong suyuin sya kahit na sya ang may kasalanan sa akin.

Yawa naman Langga oh. Apakaattitude mo naman, ikaw na may kasalanan, ikaw pa may ganang magtampo tampuhan dyan. Ang sarap nyang kurutin sa singit. Hayst.

"Langga naman ee!" Malapit na sya sa Van. Gusto ko sanang isipin na nag-iinarte lang sya at sinasadya nyang bagalan ang paglalakad nya papunta sa mga natitira pang grupo ng Esbi na nasa loob na ng Van at hinihintay sya dahil kung tutuusin sa haba ng biyas nya kung talagang nagmamadali sya pwede syang tumakbo o kaya naman ay bilisan ang paggalaw nya para makapasok agad dahil hindi naman sobrang layo ng distansya namin mula sa Van nila ee.

"Uy, it's Lovely! Stell, andito si Lovely.." dinig kong malakas na sabi ng bunsong miyembro ng grupo.

Nakita ko namang sumilip si Sejun at Josh mula sa window at nakabukas na pintuan ng sasakyan nila.

"Tss. Ambagal." Rinig kong inis na bulalas ni Ken.

Naku talaga! Sabi na ee! Tinotoyo ang langga ko! Naku, pasalamat ka at gwapo at mahal na mahal kita! Pakurot nga sa singit bebehboi. Charot!

Napaka gwapo nya sa suot nyang royal blue na tshirt na may malaking print ng 'Kiss me' sa harap, black pants, at black rubber shoes. Wushu! Kaya nahahalikan ka ng iba ee. Pati t-shirt mo ang landi! Pag ako di nakapagpigil. Lalaplapin talaga kita.

'Eww, gross!' sigaw ng konsensya ko. Lintek na konsensya. Panira.

I dunno if it's just because i'm tired, exhausted or something pero pakiramdam ko umikot ang mundo ko. Kaya bahagya akong napahinto sa paglalakad. Sapo ng aking kamay ang nananakit kong ulo. Umiiling iling pa ako dahil pakiramdam ko naduduling ako.

Shet! Yati, anyari sakin?!

"L-lovely?" Ramdam ko ang malambot na kamay ni Ken na nakahawak sa mga braso ko. "Love? Okay ka lang?" Shems! Kahit sa ganitong state hindi ko maiwasang hindi kiligin. Walang sakit sakit ng ulo, LOVE tawag sakin ng langga ko. At concern sya dzae!

Para akong lasing na nawalan ng panimbang. Nanginginig rin ang tuhod ko. Bakit? Anong nangyayari sakin?!

Ramdam kong pinagpapawisan ako ng malamig saka sumasakit parin ang ulo ko. Naninikip ang dibdib ko. Yawa! Seryoso. Anong nangyayari sakin?! Pipikit pikit at kinurap kurap ko ang aking mga singkit na mga mata hoping i won't see two things at the same time.

CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now