Chapter 33

684 29 8
                                    

- FIRST SHARED LAUGHTERS -





Hindi lang iilang beses akong nananaginip ng gising. Hindi lang iilang beses akong nangarap. Hindi lang iilang beses akong umasa. Umasa na sana ay kahit saglit na tingin lang. Saglit na pansin lang. Kahit na animo'y aksidenteng tingin lang kahit na hindi man lang umabot ng isang segundo mula sa lalaking matagal ko ng pinangarap na makita ng personal.

Mababaw lang naman para sa iba ang ganto klaseng pangarap. Because it is when someone dreams of living in a world that defines success through jewel and different levels of luxury here i am going crazy over a simple smile from him.

It is when other people wanted to have all the things in the world but here i am craving only for his attention.

Isang sulyap.. kahit aksidenteng sulyap lang.

Isang ngiti, yung ngiting puno ng kasiyahan at kakuntentuhan sa buhay mula sa kanya.

Isang masiyahing tawa. Basta mula sa kanya pakiramdam ko ay nakikinig ako sa isang napaka banayad at napakagandang musika na nagpapagaan sa lahat ng pasanin ko sa buhay.

Isang kindat at good morning text lang mula sa kanya ay okay na ako. Buo na ang araw ko.

Ganun lang kababaw ng pangarap ko. Ganoon kababaw ang kasiyahan ko. Well, yun ay para sa ibang tao lamang.

Pero para sa isang fangirl na katulad ko na inabot na ng maraming taon na hanggang ngayon ay single parin ako. Mapapagtanto nyong hindi ganoon kadali makuha ng gantong klaseng pangarap na pilit ko paring pinapangarap.

This kind of dream from me was and would always be.. Well, i thought.. hopeless. Yes, this dream of mine seems to be so hopeless.

Yung simpleng sulyap naman kasi mula sa isang makinang na bituin sa akin ay napakaimposible. Dahil sa sobrang dami naming nakatingala sa kanya ay paano nya naman kami isa isang makita? Hindi ba?

Yung simpleng ngiti nya na inaasahan kong para sa akin ay napakaimposible rin lalo na ang tawa nya dahil paano naman nya maibibigay sa akin yun kung hindi nya ako makita dahil sa hindi lang daan ang nakatingala sa kanya at gaya ko'y umaasa ring mapansin nya.

A hopeless wish.. a hopeless dream..

Yan ang katagang paulit ulit na nagpeplay sa utak ko nung mga panahong natanggap ko ng never akong mapapansin, masusulyapan, mangingitian at mabigyan ng pakonting silip ng kanyang tawa na para sa akin lamang. Dahil sa propesyon o trabahong pinili nya, nakatakda syang makapagpasaya ng milyon at hindi iisa lamang.

Everytime i thought of having time with him, i ended up telling myself that all of this so called dream is hopeless. It's all pointless.

At masakit sa pakiramdam yun.

But i don't even know why everytime i told myself to stop fantasizing him. To stop dreaming of him. To stop imagining things, scenarios, creating moments with him because none of those would happen in reality but here i am.

Crying my heart out while looking at them burning the stage with their own hotness. They lit the fire using their music and it gives us a different kind of warmth deep within our hearts. They lit the fire but also giving us hints of love in it.

Pagkatapos ng malagablab na kanta nila ay nasundan pa ng ilang mga kanta hanggang sa umabot na sila sa kantang magbibigay ng ganto kalakas na impact na naman sa akin. This song seems remarkable for me.

I must say, hindi lamang kami nila binibigyan ng init mula sa kanilang tugtugin pero binibigyan din nila kami ng pagmamahal. Pagmamahal na natatanggap nila mula sa amin at ganun din kami sa kanila.

CHASING YOU, LANGGA (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now