[1]: WELLcome to Luna Academy!

1.8K 86 2
                                    

CHAPTER 1
WELLcome to Luna Academy!
~*~


HARRIET


"HARRIET! Pumarito ka nga!" Sigaw ni Tiyang sa baba.

"Oho! Pababa na!" Pabalik kong sigaw. Dali-dali akong bumaba habang nagsusuklay. Nang makababa na ako, agad kong inilapag ang suklay sa ibabaw ng divider sa sala.

"Oh, Tiyang, ano hong problema?" Tanong ko. Nakita ko naman si tiyang na may dala-dalang envelope na kulay black na may linings na gold.

"Oh, nakita ko sa mail box kanina. Luna Academy, ata? Diyan ka ba nag-enrol? Aba Harriet, mga pinsan mo nga sa public school lang tapos ikaw? Sa private school?" Agad ko namang kinuha ang envelope na para pala sa akin. Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at hindi na pinakinggan ang nagtatatalak kong tiya.

Agad kong binuksan ang envelope. Nanghinayang pa nga ako kasi ang ganda ng envelope, paano pa kaya ang laman. Nang mabuksan ko na, agad kong binasa ang nilalaman.

Ms. Harriet Ysabelle Dixon,

Your application to enroll at Luna Academy had been approved. Just bring your things together with your files and these letter when you arrive the day before the school starts. Just agree to the form below.....

Agad-agad akong nagtatalon at nagtititili ng walang boses ng mabasa ko ang sulat. Oh my god! Pasado ako!- I mean, pasok ako! Ahhhhh! Agad kong pinagpatuloy ang pagbabasa ng sulat at sinagutan ko na din ang iba pang form. Kung akala niyo na simpleng school ang pinasukan ko, well, you're wrong. This academy is not for human beings. This school is for werewolves and vampires. Just like me, I am a werewolf. Ngayon ko na lang din nalaman pero syempre nakakatuwa na may paaralan na para sa mga katulad ko.

DALI-DALI akong nag-ayos ng mga gamit ko. Inilagay ko ito sa dalawang malaking maleta. Dinala ko din ang mga ATM cards at kung ano-anong cards na naglalaman ng pera ko at inilagay sa shoulder bag ko pati ang mga importanteng papeles na kakailanganin ko sa school. Naklagay kasi sa sulat na kakailanganin naming tumira sa mga dorms doon at uuwi lamang kung may emergency, semestral breaks at kapag gusto ng school. Nagsabi naman ako kay tiyang at agad naman niya akong pinayagan. Ang tiyahin ko ay isa lamang normal na tao. Hindi ko nga alam kung saan ko ito namana eh. Ang mga magulang ko ay mga normal rin na tao pero namatay na sila noong bata pa ako.

Nang matapos ihanda ang mga gamit, lumabas na ako ng bahay. Naramdaman ko ang lamig kung kaya't nagsuot ako ng jacket. Madaling-araw pa lang kasi at ngayon ko napiling umalis kasi hindi masyadong ma-traffic para bumyahe. Nag-aabang lang ako ngayon ng taxi para magpahatid sa terminal. Nasa probinsya kasi ang Luna Academy kung kaya't kailangan kong magbyahe ng maaga para maabutan ko ang araw na nakalagay sa sulat. Bukas na kasi ang pasukan sa L.A. Masyado siyang maaga kumpara sa ibang school na para sa mga tao.

Tiningnan ko ang wristwatch ko at napansin kong ala-una na ng madaling-araw. Halos isang oras na rin akong nag-aabang ng masasakyan. Napagpasyahan kong magsimula ng maglakad. Wala namang masyadong masamang loob dito kasi halos kilala na ako ng lahat. Ako kaya ang pinsan ng isa sa mga basagulero dito. Hahahaha.

Nang malapit na ako sa waiting shed sa may labasan, nakita ko si Aling Martha. Si Aling Martha ay isa sa mga may-ari ng karinderya na nakatirik sa lugar namin. Maaga siya laging nagigising para mamalengke at magluto sa karinderya niya.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesWhere stories live. Discover now