[39]: Start of the Plan

185 18 3
                                    

CHAPTER 39
Start of the Plan
~*~

          KAAGAD na nilipon ng dalawang propesor ang mga estudyante kasama ang ibang mga propesor. Kinakabahan na sila sa nangyari sa mga batang ipinadala nila sa misyon kung kaya pinulong nila ito. Nagpadala na rin ng tulong mula sa palsyo ang hari upang matulungan sila.

Hindi muna sa ngayon makakatulong ang palasyo dahil sa ang hari at ang ibang mga ministro at ang mga kawal ay nasa ibang kaharian at tumutulong sa problemang kinahaharap nito. May mga bampira kasi na naimpeksyon na nagreresulta sa mabili na pagkauhaw sa dugo ng mga tao kung kaya't pumapatay sila kahit na may araw. Tila hindi alintana ang kanilang kasunduan mula sa mga tao na may alam sa kanilang pamumuhay.

Habang ipinapaliwanag ni Severus at Damian ang kanilang plano sa iba, isang asul na kuwago ang dumapo sa balikat ni Severus. Tinuka-tuka nito ang tenga nito at saka biglang naglaho. Ngunit isang sulat ang iniwan nito.

Binasa nila ito at saka nagulat. Ngayon, desididong-desido na silang pumunta sa Dark Kingdom. Kung saan ililigtas nila ang mga bata, mga bihag maging ang kanilang kaharian.

"We need to go there as soon as possible. Ready yourselves and bring all the things we need. Wala na tayo sa isang training room kung saan magte-train. We are here to save lives and the kingdom."

"All hail, Vampires, Werewolves, Sorcerer!"

"All hail the Luna Goddess!"





SERYOSONG naglalakad si Jenny papunta kay Lord Shin. Agad itong yumuko nang makita ito. "Greetings, your majesty. The 'offer' was brought here. She was brought to the underground dungeon —"

"Why did you bring her there?! You should brought her to the chamber hall!" Sigaw nito na siyang umalingawngaw sa buong silid. Mas lalong napayuko si Jenny nang marinig ang boses ng hari.

"Your majesty, Silvanus brought her there." Pagrarason niya. Napangiti naman siya ng palihim nang ipatawag sa kaniya ang huli.

"Brought him here. As soon as possible."

Lumuhod muna muli siya at yumuko, "Yes, your majesty." At saka siya nawala upang puntahan si Silvanus.

Nakita niya ito na nag-iinuman kasama ang mga iba pa niyang kasamahan na kasama niya sa paghuli kay Harriet. Agad siyang tumikhim upang maagaw ang atensyon nito.

"Oh! The palace's concubine! What brought you here?" Tanong ni Silvanus. Diretso pa itong magsalita dahil sa mataas naman ang toleransiya ng mga bampira sa alak.

"Lord Shin wants to talk to you." Malamig niyang sabi at saka nawala.

Samantala, napaisip naman si Silvanus. Paniguradong bibigyan siya ng pabuya dahil sa pagkakahuli niya sa alay. Agad na siyang nagpaalam sa mga jasama niya.

"Alis na ako. The king wants to talk to me." Paalam niya saka ngumisi. Nagsigawan naman sila dahil doon. Agad na pumunta siya sa lugar kung saan madalas pumunta ang hari.

"Your majesty—" natigil na lamang siya nang biglang lumingon sa kaniya ang hari na may mapupulang mata. Agad siyang napasapo sa kaniyang ulo dahil sa sakit.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt