[37]: The Traitor

229 20 1
                                    

Kamay ni Harriet on the pic

CHAPTER 37
The Traitor
~*~

          HINDI magkumahog ang mga estudyante at mga guro sa pakikipaglaban sa mga rogues na umatake sa kanilang paaralan. Nagulat na lamang sila dahil nakarinig sila ng mga pagsabog na nagmumula sa labas ng kanilang mga dormitoryo. Ang mga propesor naman ay nagulat rin dahil sa pag-atake. Inaasahan kasi nila na aatake ang mga ito pagsapit ng ika-tatlong bilog na buwan sa kasalukuyang buwan. Pero, dalawang araw bago sumapit ang pagkabuo ng buwan, umatake na ang mga rogues kasama ang mga rebeldeng dati'y nakatira sa ibang kaharian. Kasama na rin dito si Seofon, ang nakatatandang kapatid ni Seven at anak ni Sir Severus.

Si Seofon Uson, ay isa sa mga pinakamagaling na estudyante ng Luna Academy. Matataas ang mga marka nito sa iba't ibang asignatura at kasa-kasama ng mga matataas at inaasahan ng estudyante sa kanilang mga misyon.

Ngunit hindi gaya sa kaniyang nakababatang kapatid, si Seofon ay hindi namana ang abilidad ng ama, ang pagkontrol sa apoy. Na siyang namana ni Seven mula sa ama. Namana lamang ni Seofon ang kaniyang abilidad sa kanilang namayapang ina.

Hindi man kabilang sa grupong inaasahan ng kaniyang mga kamag-anak, napabilang si Seofon sa grupo ng mga A-List. Ang grupo ng mga estudyanteng may mga matataas na marka at may talentadong mga abilidad. Hindi man sila kagaya ng mga Elites na magiging heneral pagdating ng araw, ngunit sila rin ay makakakuha ng isang mataas na trabaho mula sa palasyo. Maaring tagapaggawa ng batas, tagakolekta ng buwis at iba pa na kinakailangan ang kanilang talino.

Ngunit sa kabilang banda, hindi ito nagustuhan ni Seofon. Madalas itong maging bayolente noon kung kaya't kahit na labag sa loob ng kaniyang ama ay ikinulong siya sa isang lugar na walang kahit anong bagay na maaring magamit ng kaniyang abilidad. Ang chain controlling.

Ginagamit niya ang mga tanikala upang makakuha ng impormasyon, pagkuha ng buhay, at iba pa. Isa sa mga ipinagbabawal na abilidad at tanging mga malalakas na bampira o lobo lamang ang maaring humawak nito. Pero ang hindi alam ni Seofon, inilagay siya sa A-List dahil sa isang hiling. Ang hilong ng kaniyang ina.

Namatay si Zenaida, ang asawa at mate ni Severus na siyang ina ni Seven noon dahil hindi na kayang kontrolin ng katawan niya ang kaniyang abilidad. Sampung taon pa lamang noon si Seven samantalang labinlimang taon noon si Seofon nang mamatay ang kanilang ina. Itinago mula sa publiko ang naging dahilan ng kaniyang pagkamatay dahil sa posibleng takot na maaring mabuo sa mga mamamayan ng ibang kaharian. Na maari silang mamatay dahil sa kanilang abilidad.

At upang pagtakpan ang nangyaring kamatayan, sinabi na lamang nila na namatay sa isang malubhang sakit si Zenaida. Ngunit bago pa ito mamatay, isang hiling ang nagawa niyang hilingin sa asawa.

"Please, do everything for Seofon. Hindi dapat siya masama sa Elites. Ayoko nang gano'n. Maari siyang mamatay gaya sa akin. At si Seven, gabayan mo silang dalawa. Nakita ko na ito noon pa man. The chains told me about this. Please do everything to save them and yourself. Ayokong makita kayo na maghihirap dahil sa akin. Ayoko na magaya kayo sa akin." At sa kaniyang huling hininga, tanging pamilya lang niya ang kaniyang inalala. Napuno ng iyakan ang buong kwarto. Maging ang tinitingalang propesor sa loob ng akademya ay humagulhol rin sa iyak. Inaalo naman ng nakatatandang kapatid ang nakababata niyang kapatid sa ibang kwarto.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon