[26]: Aarush

284 22 0
                                    

CHAPTER 26

Aarush
~*~

HARRIET

         MABILIS na pumunta ako sa bahay. Hindi ko na ininda ang masakit na likod na nakuha ko dahil sa atake ng lalaki kanina. He is my first kill and wala akong maramdamang kahit na anong panghihinayang dahil sa pagpatay niya. He kill a lot of people na siyang hindi ko matanggap. He has no mercy, kaya bakit ko siya bibigyan ng ganoon kung wala rin naman siyang kapasidad na magkaroon nang gano'n.

Halos tinakbo ko na rin pala ang daan upang makauwi agad. Halos hindi ko na nga mailusot ng maayos ang susi sa doorknob dahil sa pagmamadali. So, he knew them? They knew him?

Nang makapasok ako sa bahay, inilapag ko lang ang binili ko sa lamesa at umakyat na ako sa kwarto ng mga Elites. Ang kwarto nila Kuya Armand na wala rin dito. Binuksan ko ang kwarto pero mukhang maling galawa ito. They are sleeping without shirt! Juicecolored! Baka ako ang maagang mamatay dito eh.

"Sa kusina tayo!" Sigaw ko at nagising naman sila. Pinuntahan ko rin ang kwarto ni Alexa na siyang nasa kwarto ni Yen habang si Yuan naman ay nasa kwarto ni Euro. Agad akong tumungo sa kusina at uminom ng tubig. Nakakatatlong baso na ako nang makababa ang ilan sa kanila.

Alam ba nila ang tungkol sa lalaking 'yon? Kaya ba nagmamadali silang umalis noong sinabi ko ang tungkol sa lalaking 'yon noong na-ospital si Yuan at Alexa? Or they just did something important kaya gano'n? I can't state the possibilities but there's a chance na talagang gano'n ang nangyari.

Umupo sila sa may upuan sa harap ng lamesa at nanlaki naman ang mga mata nila nang mapagtantong may dugo ako sa damit. Ngayon ko lang din nalaman na may dugo sa damit ko. Siguro tumalsik lang ang dugo na ito kanina habang nakikipaglaban.

"Tama ang hinala natin kanina…" I started the conversation. Umupo ako sa sink at inilapag ang baso sa likod ko.

"The vampires from the Dark Kingdom made all of these?" Sabi ni Alexa. Tumango ako sa kaniya at siya naman ay tumango-tango. Malamang, expected na.

"Nakasagupa ako kanina ng isang bampira. We had a battle and gan'to na nga ang nangyari." Sabi ko at itinuro ang namantsahang damit. "And then, after the fight, someone came and then he said he's the one who lead the attack months ago in the academy." Kwento ko and I saw Elites gritted their teeth in annoyance.

"Fvck!" Bulong ni Alexus.

"So, who is he? Kilala niyo siya, hindi ba? Hindi ako tanga upang hindi malaman na hindi niyo siya kilala. Or maybe, he knew all of you but you don't know him. So, ano?" Tanong ko. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nagiging ganito. Knowing someone that may lead or the one who start these kind of shit here in our province.

"You don't need to know. Let's go." Seryosong sabi ni Clark. Tumayo na rin sila at naglakad na papalabas sa kusina pero bago sila makalabas ay nagsalita na ako.

"Then, I will work on this. Ako na ang aalam sa pangalan niya. Call this stupidity or what but I will do everything to know his name kahit na mapahamak ako or mamatay ako matapos." Seryosong sabi ko at umalis na sa pagkakaupo sa sink.

"Harriet…" tawag ni Alexa at Yuan na parang pinipigilan ako. I roll my eyes at naglakad na papalabas sa kusina. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagmukmok. I need to know his name before the vacation ends.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum