[43]: The One Who Blame

232 18 0
                                    

CHAPTER 43
The One Who Blame
~*~

HARRIET

          I WOKE up with a headache. Mas malala pa ito sa hangover eh!

Inilibot ko ang tingin ko sa buong lugar and all I can see is the white wall, ceiling and my hospital dress— what the hell?!

Napasapo ako ulit sa ulo ko at pilit na inalala ang mga nangyari. Wala kong ibang naalala kung hindi ang pagtalon ko sa portal doon sa loob ng lugar ng mga diwata doon sa Elves Kingdom and after that, wala na. Wala na akong maalala bukod doon.

Pumasok ang isang doktor na kasama si Sir Severus. Nakatingin lang sila sa akin na mukhang seryoso hanggang sa ngumiti sila ng tipid.

"Gising ka na pala, Miss Dixon. Good thing that you recovered fast than I expect." Bungad ng doktor sa akin. Napasandal naman ako sa headboard ng kama at saka tumingin sa kanila.

"Ugh… what happened? Bakit ako nandito?" I asked. Mukhang naguguluhan pa sila base sa mukha nila pero naunang maka-recover ang doktor na hindi ko alam ang pangalan.

"Maybe she had a temporary memory loss. Nakalimutan niya ang nangyari o talagang may nagbura nito." He said to Sir Severus. The latter nod his head and sat on the couch beside the door which I think the bathroom's door.

Lumapit sa akin ang doktor at saka sinuri ako. He look at me directly to the eyes and then he suddenly wrote on the clipboard on his hand. (Hindi ko sure kung clipboard ba ang tawag do'n o ano.)

"Hmm, wala namang masyadong komplikasyon na nangyari sa'yo but I suggest na manatili ka dito for further examinations. Malalim pa rin kasi ang sugat mo sa tagiliran kaya you need to stay here and rest. That's all for today and mamaya na rin namin lalagyan ng mga gamot ang sugat mo." He said and then I suddenly touch and look at my side. May nakalagay doon na bandage at masakit nga kapag dinidiinan ng kapit. Akala ko ba, they can easily heal it fast? Bakit sa akin ay hindi?

Umalis na rin ang doktor but Sir Severus stayed. Nakatingin lang siya sa akin at parang sinusuri ako. Nailang naman ako dahil doon kaya napayuko ako.

"S-sir," I called him. Itinaas ko na ang tingin ko at saka sinalubong ang mata niya. "A-ano pong nangyari? I can't remember it all, pero po naaalala ko po ang nangyari sa akin bago ako napunta sa Elven Kingdom at ang mga nangyari sa akin doon…" I said. Napabuntong-hininga siya at saka tumayo. Lumapit siya sa akin at saka umupo sa dulo ng kama.

"Mabuti kung hindi mo muna alamin ang nangyari, Harriet. Just heal first and I'll tell you everything." Sabi niya kaya napakunot ako ng noo.

"Sir, 'yan din po ang ipinagtataka ko eh. Why am I having a stab on my side na kahit sino ay hindi napapagaling ito? I remember that they can heal it easily pero bakit ganito? I thou—"

"Harriet," he stopped me. "I'll tell you everything as soon as you recover. Ang importante sa ngayon, just focus on recovering and follow what Mr. Reverson will say, okay?" All I can do is to nod. Bakit pakiramdam ko, may masamang nangyari kaya nagkaganito? Bakit sa tingin ko, may mali?

I DIALED their phone once again but to no avail. Walang sumasagot doon sa tawag at hindi rin nagri-ring. Laging 'Out of Coverage' ang sagot.

Inilagay ko ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table at saka sumandal sa headboard ng kama. Humalukipkip ako dahil sa boredom. Ugh! Magda-dalawang araw na ako dito at wala man lang makausap.

Tumayo na ako at saka isinuot ang tsinelas ko. Wala namang swero dito na dadalhin gaya sa mga normal na hospital. I mean, the human hospital.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon