[6]: With a BANG!

683 37 1
                                    

CHAPTER 6
With a BANG!
~*~

HARRIET

MINSAN talaga sa buhay ng isang tao, kinakailangan mong magtiis para lang ma-achieve mo ang isang bagay na gusto mo. Katulad ng sa love, you have to endure all the pain just to get the one that you love. Pero sa lagay ko na ito, I am not into love thingy, I am into finding an answer at nandito sa library.

Linggo ngayon ng umaga. Kasalukuyan akong nandito sa loob ng library. Nababagot na ako kasi hindi ko hilig ang pagbabasa. Manood, kumain, matulog at mag-cellphone lang ang hilig ko.

Gumagawa ako ng isang assignment sa Potions and Poisons na subject namin. Naghahanap ako ng cure sa isang poisonous plant na nakalason sa character na ibinigay ni Ma'am. Nakalimutan ko din kahapon gawin ito kasi nga puyat ako. 'Di naman ako sinabihan ni Yuan at Alexa about dito laya ngayon ay nangangapa ako.

Nakaupo ako sa isang tagong lamesa at nagbabasa ng cure book. Medyo may pagka-vintage ang design ng libro pero maganda. Color red siya at may color gold ang cover niya. Hinanap ko naman sa content ang about sa poison na nakuha ko. Matapos maghanap, nakita ko na ito at binasa. Isinumarrized ko lang ito at inilagay sa notebook ko.

P

agkatapos kong isulat ang mga sagot, napagdesisyunan kong hiramin ang libro sa librarian. Lumapit naman ako sa librarian at hiniram ang libro. Inilista ko ang pangalan ko at ang libro. May itinatak naman siya sa libro na hindi ko nakikita. Matapos non, umalis na ako kasi mamatay na ako sa pagkabagot. Pumunta muna ako sa dorm para ibalik ang libro at ang mga gamit ko.

"Saan ka pumunta?" Tanong ni Alexa. Ipinakita ko sa kaniya ang mga gamit na dala ko kanina sa library pati na rin ang dala kong libro. "Himala! May dala kang libro." Namamangha niyang sabi.

"Loka! About siya sa potions and cure kaya hiniram ko na. Baka kasi kailanganin." Sabi ko sa kaniya sabay talikod. Binuksan ko ang cabinet ko at inilagay ang mga gamit ko.

Kinuha ko naman ang headset at laptop ko. Lumabas ako ng dorm at pumunta sa rooftop ng dormitory namin. Wala namang tao kaya naupo ako sa sahig. Inopen ko lang ang laptop ko at ini-plug ang headset ko sa cellphone ko. Nagpatugtog lang ako ng kanta. Pinindot ko ang play shuffle at nakinig na sa kanta at itinuon ang pansin sa laptop ko.

♪' I'm in Toronto and I got this view
But I might as well be in a hotel room (yeah)
It doesn't matter 'cause I'm so consumed
Spending all my nights reading text from you'♪

Tsinek ko ang mga email accounts ko at nakita ko na sobrang dami na ng mga mails na galing sa mga kailangan bayaran. Maya-maya, nag-log in ako sa YouTube at nanood ng mga movies. Mga short vidoes ng pagiging PDA ng mga couples ang pinapanood ko ngayon. Nakakainggit nga eh!

Nagpatuloy lang ako sa panonood at pakikinig ng music. Wala naman kasi akong maintindihan sa background music ng pinapanood ko kung kaya't nakikinig na lang ako ng music sa cellphone ko.

Tiningnan ko ang wristwatch ko at sinasabi nito na mag-a-alas dose na. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumunta sa room namin. Inilagay ko lang ang mga gamit ko sa bag at nagpalit ng damit.

"Lunch na tayo?" Pag-anyaya ko kay Alexa. Tumayo na siya at lumapit sa akin.

"Tara!" Lumabas na kami at pumunta sa cafeteria. Pagkapasok pa lang namin, naamoy ko na ang mga niluluto at nakahain nang ulam. Lumapit kami sa counter at bumili ng pagkain. Lasagna at carbonara lang ang inorder ko. Sinamahan ko lang ito ng iced tea at toasted bread.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesWhere stories live. Discover now