[9]: Senses, Seek, Wand and Why

539 34 0
                                    

CHAPTER 9
Senses, Seek, Wand and Why
~*~


HARRIET



ANOTHER Monday morning for the students. Maagang umalis si Alexa sa dorm namin. Sinabi niya lang na may gagawin siya. Kagabi pa niya 'yon sinabi habang pauwi kami mula sa dorm ng mga Elites. Oh 'di ba! Improving ang pagsabi ko sa dorm nila. Kung dati, 'devils' dorm' ngayon 'dorm ng mga Elites na!'

Nagising ako ng alas-syete ng umaga. May isang oras na lang ako para sa first class namin. Kulang-kulang kalahating oras ako naliligo at fifteen minutes mag-aayos. Mag-aalmusal pa. Haay!

Dali-dali akong tumakbo sa field papunta sa building namin. Sa field na ako dumaan kasi baka masita ako ang mga profs na nasa loob ng bawat room. Bawal pa naman tumakbo sa hallway. Tsk, tsk… tsk.

Dala na din ng adrenaline rush ko, nasaktuhan ko na wala pa ang teacher namin sa room. Umupo na ako sa upuan ko at hindi na pinansin ang mga nag-iingay ko na mga kaklase. Napatingin naman ng kakaiba sa akin si Yuan.

"Nagpagupit ka ba?" Tanong niya sa akin. Saktong pagkatapos niya sabihin 'yon, biglang pumasok si Ms. Farrah. Umayos na kami ng upo at hindi na ako kinausap muli ni Yuan.

"CLASS dismissed!" Sabi ng last prof namin for morning period. Dali-dali naman lumabas ang mga kaklase ko at nagpahuli naman ako. Sinamahan naman ako ni Yuan, Seven at Harrison since magkakasabay na kami mag-lunch.

"Punta na tayo sa cafeteria!" Sabi ni Seven. Tumango naman kami at sabay-sabay na pumunta sa cafeteria.

Pagkarating namin sa cafeteria, nakita namin sila na nakapwesto malapit sa may counter. Lumapit naman kami doon at umupo. Nakakita naman kami ng pagkain at agad na kaming kumain.

Kinalabit naman ako ni Alexa peropatuloy lang ako sa pagkain. Hello? Hindi kaya ako nag-almusal.

"Ba't hindi ka pa nagsusuklay?" Tanong niya sa akin. Kinuha ko naman ang salamin ko at nakita ko nga na hindi pa ako nagsusuklay. Maayos naman siya, kaso lang, medyo buhaghag pa ito.

"Nagmamadali kasi ako." Sabi ko sa kaniya. Nagpatuloy na ako sa pagkain. Ang sasarap kasi eh!

"Pati pagsapatos… hindi naayos eh!" Dagdag niya pa. Huh?

Napatingin naman ako sa sapatos ko. Ay leche plan! Bakit rubber shoes 'to?

"Hayaan mo na! Mag-PSACS naman tayo mamaya." Sabi ko na lang sa kanila. Napatingin naman sila sa akin with matching pagtataka.

"What's PSACS?" Tanong ni Yuan. Hala?! Napa-english eh.

"Physical Strength and Combat Skills. Dzuh!"

"Ahhh!" Pagsang-ayon nila sabay tango. Uminom na ako ng juice at saka tumayo.

"Mauuna na ako sa inyo. Pupunta pa ako sa dorm. Bye!" Sabi ko sa kanila.

Lumabas na ako sa cafeteria at naglakad na papuntang dorm. May mga estudyante rin na naglalakad katulad ko pero karamihan ay nasa cafeteria ngayon at nagte-take ng lunch.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesWhere stories live. Discover now