[7]: Sesame

556 37 0
                                    

CHAPTER 7
Sesame
~*~

HARRIET


LUNES ng umaga ngayon. Hindi masyadong masigla ang mga estudyante, maging kami ay tinatamad na pumasok at makisalamuha sa mga kapwa estudyante. Nagdadalamhati ang lahat sa pagkamatay ng mga estudyanteng nasama sa pagsabog. Wala ngayon pasok ang buong maghapon dahil sa pangyayari. Wala naman nasirang mga buildings sa palibot ng pagsabog pero may mga buhay na nawala.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng cafeteria at kumakain. Umorder lang ako ng pizza at juice kasi alam kong hindi ko mauubos ito. Si Christoffer lang ang masiglang kumakain sa table namin at ang iba ay walang pakialam. Umiinom na lang ako ng juice at kumakain ng clubhouse sandwich na dala ni Yuan.

"Sinadya kaya 'yon upang matakot at umalis ang mga estudyante dito sa academy?" Biglang tanong ko sa kanila pero nakatulala sa kawalan. Napatingin naman sila sa akin at nagsalita.

"Posible, pero sino?" Pagsang-ayon ni Alexus. Ipinatong ko ang ulo ko sa lamesa at nag-aktong natutulog. Hindi kasi ako nakatulog kagabi. Bawal naman bumalik sa dorm kasi nakabantay ang dorm lady.

"Inaantok ako!" Sabi ni Alexa sabay inat. "Punta tayo dun sa may puno. Inaantok talaga ako." Pag-aya niya sa akin. Tumango ako at tumayo. Nakapikit ang mga mata ko at biglang nabangga sa isang matigas na bagay. Napamulat naman ako ng mga mata at nakita ko si Seven na nakatayo sa harap ko.

"Sama ako!"

Pumunta kami sa may puno ng narra na may mga lamesa at bleachers sa ibaba. May mga puno naman dito kung kaya't hindi masyadong mainit. Humiga ako sa isang bleacher doon at hinubad ang coat ko. Ipinatong ko lang sa hita ko kasi baka masilipan ako. Wala naman akong ginawang unan kasi sanay naman ako. Humiga si Alexa sa may katabing bleachers at natulog. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko pero biglang may nag-angat ng ulo ko at biglang ipinatong sa lap niya. Hindi ko na nagawang silipin kung sino siya. Nagsalita naman ako bago ako lamunin ng antok.

"Thank you." Sabi ko bago ako matulog.

NAALIMPUNGATAN ako ng marinig ko ang mahinang sigaw. Medyo may halong panunukso pa siya.

Gumalaw naman ako at tumihaya. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko ang pagmumukha ni Alexus. Napabangon naman ako ay tumingin sa field. Hinawakan ko naman ang magkabilang gilid ng bibig ko at kinapa. Hindi naman ako naglalaway kapag tulog pero na-conscious ako. Kinuha ko naman ang suklay ko at nagsuklay. Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakita ko na mag-a-ala una na. Ipinagpatuloy ko naman ang pagsuklay sa mahaba kong buhok at tiningnan ng masama si Alexa. Nag-smirk lang siya sa akin tapos ngiti.

"Bagay kayo ni Kuya." Sabi niya sa akin sabay takbo.

"What the hell, Alexa?!" Bulalas ko at sabay habol sa kaniya. Inalis ko naman ang coat ko at inilapag sa may bag ko.

Naghabulan lang kami ni Lexa na nagtatawanan. Maya-maya, huminto siya at hinabol ang hininga niya. Nakuha ko naman 'yon na time para mahabol siya. Nahawakan ko ang kamay niya at sumampa naman ako sa likod niya. Piggy back ride! Yehey!

"Ang gaan mo, Harriet!" Sabi niya sa akin.

"Punta na tayo doon." Parang bata kong sabi. Nagsimula na siyang maglakad tapos biglang tatakbo.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesWhere stories live. Discover now