[32]: A Dangerous Mission

246 22 3
                                    

CHAPTER 33
A Dangerous Mission
~*~

HARRIET

        KINAKABAHAN ako sa lagay na ito. This is the first time I'll fight on public. Hindi naman ako palaaway noong nasa high school pa ako or even elementary pero ngayon ay kakaiba. Yes, someone's watching us on the PSACS exam noon and sa mga training namin kasama si Morrison but that was just one or two! Sampu na ang pinakamadami pero ngayon ay kakaiba. More than sixty students will watch us and a professor. Nakaka-kaba, oo but this was a very exciting training too. Naaayos ko ang grades ko dito and at the same time, nate;-train ko pa ang sarili ko sa paghahasa sa ability ko at marami pa akong natututunan.

Pinanood ko ang mga kaklase ko na sabay-sabay na pumasok sa isang training room na nagmumukhang forest kapag nasa loob ka na. It was part of the illusion that one of our  classmate did. Ito ang binigay na performance ni sir kay Omar, the illusionist; ang gumawa ng mga kinatatakutan ng mga sasabak sa loob at ang lugar. Medyo nakaka-excite siya dahil kitang-kita namin ang lugar at tawang-tawa kami sa mga kaklase naming naglalaban sa mga halimaw sa loob. I guess they had a good teamwork pero hindi naman 'yon ang ibinilin ni Sir.

Nagulat na lang ako nang mag-ring ang phone ko. Tumayo muna ako at pumunta sa gilid ng mga upuan, kung saan walang matatagpuan na mga estudyante. I hit the answer button and put my phone on my ear.

"Hello, Alexa?" I ask. Medyo hindi ko pa naintindihan ang sinabi niya dahil sa naririnig kong ingay mula sa amin at sa linya niya. Mayamaya, bigla nang umayos ang linya sa kaniya kaya lumayo ako mula sa kanina kong puwesto at umupo sa bakanteng upuan.

"Harriet! Magsisimula na ba ang laban mo? Sorry kasi hindi ako makakapunta diyan ngayon. Pero promise, pupunta ako diyan bago matapos ang laban mo." Sabi niya kaya napatawa ako.

"Don't worry, mamayang alas-diyes pa ako. Nauuna lang 'yung iba." Natatawang tugon ko sa kaniya. "Teka, sabi mo ikaw lang? Bakit? Bakit hindi mo kasama si Yuan?" I ask her. Medyo nawi-wirduhan ako sa kanila magmula kaninang umaga. Alexa sat on the other table nang makita niya si Yuan na nakaupo sa dating pwesto namin. Sa pwesto kung saan kami sanay na kumain kasama ang mga Elites but when she saw Yuan's with us, she sat on the other chair. Malayo sa lugar kung saan kami nakapwesto. So, I brought my tray with me and walk towards her direction where she sat. Tinanong ko na siya pero wala akong nakuhang sagot, kaya tumahimik na lang ako and I told her about this battle. A survival battle.

"Alexa?" I've got no response from her so I call her name. Mukha namang natauhan na siya at sumagot.

"Yes? Ah! By the way, papunta na ako diyan. Bibili lang ako ng pagkain at saka tubig. Para kapag natapos mo na ang game, ibibigay ko na lang. Sige na, gotta go!" And then she hung up. Ano kayang problema nila? LQ for sure.

Bumalik na rin ako sa pwesto ko kanina and waited for her. Nang matapos na ang labanan na naganap sa loob ng training room, agad na inasikaso ng mga healer namin na kaklase ang mga sugatan at inayos ko na ang pagkakatayo ko. Kami na kadi ang susunod.

"Next batch, you ready?" Sir Damian asked. Tumango n lang ako samantalang sila ay mukhang excited. Papasok na sana ako sa training room when someone shouted my name.

"HARRIET! GO, GO, GO!" She shouted and I smiled at her.

I mouthed "Thanks" at her and I entered the room. Gubat na gubat ang lugar maging ang tunog. May mga hayop na gumagala sa paligid and I can't see someone here except me. Paniguradong napunta sa ibang lugar sila.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesWhere stories live. Discover now