[38]: Back and Captured

220 18 0
                                    

CHAPTER 38
Back and Captured
~*~

HARRIET

          HINAWAKAN ko na ang seradura ng kahoy na pinto. Kinakabahan man, ngunit nilakasan ko ang loob ko. I can't risk them and leave them behind. Kung ako at ako lamang ang makakabuhay sa reyna at ang siyang papatay dito, then go. I'll risk my life than leaving them behind. Marami na kaming mga nagawang masasayang alaala. From eating in the cafeteria together, from cooking them as a thank you, sa WI, at marami pang iba. Kaya hindi ko magawang iwan 'yon.

Binuksan ko na ang pinto ngunit sumalubong sa akin ang maliwanag na hindi ko maintindihan. Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang braso ko at dumiretso pa rin, but I was shock when I feel that something was wrong. Parang wala na akong tinatapakan; and then, nahuhulog na pala ako sa isang walang hanggang liwanag. I just close my eyes and relax. Walang magagawa ang pagpapanic ko dito. This felt nostalgic. Noon, doon sa balon na papunta sa LA. Si Sir July pa ang gumawa sa akin noon. He look like a old lady na napahkamalan ko pang magiging mother-in-law ni Giselle.

Bigla na lang akong nahulog sa tubig. Napakalamig. Malalim. Hindi ko na nagawang ikampay ang mga kamay ko upang makalangoy at makaahon. I just relaxed my body to float. Anything at rest with air inside has buoyancy. Kaya nararamdaman ko na lamang ang sarili ko na lumulutang kung kaya't agad ko nang iniahon ang ulo ko upang makasagap ng hangin.

Halo higupin ko na ang hangin at agad na pinuno ang aking baga. Agad ko nang ikinampay ang aking kamay upang mapanatili ang aking katawan sa ibabaw ng tubig. Inilibot ko ang aking paningin at nagulat na lamang ako nang makakita ng isang batang lalaki na nakaupo sa isang batong kumikislap. I think this is a crystal or something. I am not into stones or crystals at iilan lang ang alam ko. Like mga nasa jewelries at iba pa.

Agad akong naglangoy papunta doon at nang marating ko na ang mabatong— or should I say mala-kristal na bahagi ng tubig ay agad na tumayo ang batang lalaki.

"Sumunod ka sa akin. They are waiting at you." Malamig niyang sabi at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Agad akong umahon at sumunod sa kaniya; but I can feel the coldness. Nangaligkig ang mga ngipin ko dahil doon.

Mabilis akong sumunod sa kaniya at makalipas ang mahabang lakaran sa hindi ko alam na bahagi ng lugar nila basta may mga batong nagliliwanag sa bawat bahagi. Sa mga gilid, sa itaas at may mga tanim pa na nagliliwanag. May mga kabute, mga bulaklak at iba pa na gaya sa iba ay nagbibigay liwanag sa paligid. May dala itong iba't ibang kulay na siyang nagpaganda sa paligid.

Nakarating na kami sa isang lugar na napakaraming ilaw at maraming mga diwatang naglalaro at ang iba'y lumilipad. Humawak ako sa railings at tiningnan ang ibaba. May tubig sa ibaba na kulay asul na nagkukulay berde. Napakaganda!

Napapansin ko na para itong isang hotel. Pero ang pinagkaiba nito, mas maganda ang lugar na ito at talagang nakakabighani. Wala itong masyadong mga kagamitan pero maraming mga damo ang nasa paligid at mga bulaklak. Bagay na talagang napakaganda sa mga mata.

Halos may tatlumpung palapag ito at kitang-kita mula sa kinatatayuan ko ang malalawak na hagdan na kulay ginto. Ang mga diwatang kanina'y naglalaro ay biglang nagsialisan at napapatingin sa aking likod.

"Narito na pala ang ating bisita." Isang tinig ang aking narinig sa hindi kalayuan. Lumingon ako dito at halos manlambot ako. Ang gaganda at ang gagwapo nila!

"Sumunod ka sa amin." Sabi ng isa sa kanila at saka sila tumalikod. Mahahaba ang kanilang mga kasuotan na umaabot sa sahig. Binuksan nila ang isang pinto at saka pumasok. Sumunod din ako doon at sumalubong sa akin ang napakalawak na kwarto na sa tingin ko ay ang kanilang lugar ng pagpupulong. It is like the room inside the academy where I met the High Council. At doon rin sa lugar na 'yon nalaman ko ang lahat. Lahat-lahat na tungkol sa akin but not the offer-thingy. Na hindi ko sigurado kung alam ba nila.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora