[4]: Crush and Shadow

787 41 1
                                    

CHAPTER 4
Crush and Shadow
~*~



HARRIET

DUMIRETSO kami ni Yuan at Alexa sa cafeteria. Tapos na ang morning subjects namin. Bale, sa first subject lang pala namin kami magkakahiwalay. Sa mga next subjects ay magkakasama na ang mga firsts years.

Lumapit sa akin si Alexa at may ibinulong. 'Yung tipong hindi maririnig ni Yuan. Pero nagkakamali siya. Maririnig at maririnig pa rin siya ni Yuan.

"Girl, ano 'yung sinasabi mo kanina na sasabihin mo ngayon?" Bulong niya. Humarap naman ako sa kaniya at hinwakan siya sa balikat. Nasa hallway pa lang kami na papunta sa cafeteria.

"Mamaya." Maiksi kong sabi na seryoso. Oh my god! Parang may sasabihin akong kaabang-abang. Hahahaha.

Pumunta na kami sa cafeteria at dali-daling umorder. Fried fish, pusit at kanin ang inorder ko. Bumili lang ako ng dalawang bottled mineral water at pineapple juice. Naghanap kami ng lamesa at nakakita kami malapit sa may glass window. Umupo na kami agad at inilapag ang tray namin. Inilapit naman nila ang mga mukha nila sa akin at agad na tinanong.

"Buntis ka ba?"

"Sinong ama?"

"Babae o lalaki?"

"'Yung baby ha?"

"So, sino ama?"

"Vampire o werewolf?"

"Or tao?"

"Taga-saan?"

"Gwapo ba?"

"Matangkad?"

"Matalino?"

"Katanggap-tanggap ba ng lipunan?"

"Oh my god! Tumahimik nga kayo! Wala nga akong boyfriend—"

"Oh my god! May boyfriend ka na?" Exaggerated na sabi ni Alexa.

"Oo nga! Vampire o werewolf?"

"Or human?"

"Matalino ba?"

"Matangkad, gwapo at hot?!"

"'Yung mga tipong Jack ng Titanic?!"

"Patapusin niyo nga muna ako!" Natigilan naman sila at itinikom ang bibig. Ini-act pa nga na izini-zipper ang bibig.

"'Yan! Okay! Wala akong boyfriend, okay! At si Jack! Kyaaaaaah! Crush ko 'yon! Hahaha! And." Lumapit ako sa kanila at inilapit ang mga mukha ng isa't isa para magkarinigan kami.

"May crush na ako." Lumayo naman na ako pati na rin sila.

"Wala na bang mas nakaka-excite diyan?" Boring na tanong ni Alexa.

"Tss. Maka-kain na nga." Aba!

"Hey! Interesting ang pagkaka-crush 'no! Syempre sa infatuation nagsisimula ang love. Infatuation, aminan, courtship, dating, mag-on, dating at courtship. Syempre, hindi mawawala 'yan. Tapos engagement at marriage!"

"Girl, naniniwala ka pa din diyan? Mga pang-human thinking 'yan eh. Sa atin, 'pag may mate ka, doon ka na. You don't have to follow those human beliefs. Kayo na lang ang bahala ng mate niyo." Malamig na sabi ni Alexa sa akin.

Nagsimula na akong kumain. Tama...... We are different from human. Kung sa kanila ay naniniwala sila sa ganoon, well, kami ay hindi. Maniwala sa hindi, magwo-work pa rin ang isang relasyon sa aming mag-mate. Kung sa amin ay mate sa kanila ay soulmate. Wait! Mukha namang parehas lang eh! Hahahaha.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon