[15]: Battle Between the Elites and A-List

382 31 3
                                    

CHAPTER 15
Battle Between the Elites
and A-List

HARRIET

         I WOKE up early than usual. Mas maaga pa sa mas maaga. Alas tres lang naman ng madaling-araw at kung ano-ano pang ginawa ko para makatulog ulit. Nagbasa na ako ng ilang mga short stories, nanood ng mga cat videos at marami pang iba.

Nagising kasi ako ng maaga dahil sa isang panaginip. I can't say that it is bad nor good. Basta nasa isang madilim 'yon na lugar and different things happened. I can't remember it clearly basta ang alam ko ay hindi iyon maganda at masamang panaginip.

Tumingin ako sa orasan ko at nakita ko na mag aala sais na. Tumayo na ako at isinara ang librong binabasa ko. A story about the two vampire lovers that are not meant for each other. Yes, they are not mate but they love each other. Nilagyan ko ng bookmark ang page na hindi ko pa tapos basahin at nag-prepare ng makakain. Nagprito ako ng bacon at itlog.  Nagluto fin ako ng fried rice at sinahugan ng kaunting bacon na pinaliit ko.

Inilagay ko na sa plato ang naluto ko at nagsimulang kumain. Nang matapos na akong kumain, napatingin naman ako sa mga tirang pagkain. There are some pieces of bacons and eggs. Napailing na lang ako at tumalikod.

"Hmm, sandwich na lang." Sabi ko sa sarili ko. Kinuha ko ang tinapay at cheese. Tinoast ko muna ang tinapay at ipinatong doon ang mga natirang pagkain. May cheese pa akong inilagay at mayonnaise at ketchup. Inilagay ko lang ito sa isang lagayan at pinatong sa lamesa. Naligo na ako at nagbihis lang ng gray shirt at leggings at doll shoes para sa paa ko. Lumabas na ako habang pinupunasan ang buhok. Kinuha ko lang ang sandwich na ginawa ko at saka inilagay sa bag. Kinuha ko lang ang suklay at nag-ayos sa harap ng salamin.

"Yeah." I pose to the mirror and got my bag. Lumabas na ako at ikinandado ang room. Lumabas na ako at saka dumiretso sa arena. Wala akong kasama sa room ko ngayon since sa next next semester pa makakarating ang magiging kasama ko. And no other than Alexa! Yey!

Umupo ako sa may gitnang bahagi sa may east side. Nanood lang ako sa kasalukuyang naglalaban na si Blake ang isa. Nag-cheer lang ako sa kaniya pero alam ko naman na hindi niya iyon maririnig. Hindi ko maiitatangging gwapo si Blake kaya marami ang mga fans niya. Pero nanatili na lang silang tingin dahil sa may girlfriend na ito. Jenny ata ang pangalan.

Natalo ni Blake ang kalaban niya at dumiretso na siya sa likod. Sumunod naman ang iba na naglaban pero natulala na lang ako ng may maramdamang kakaibang init sa loob ng katawan. I can feel the heat that is starting to my feet up to my head. Kakaibang init siya na parang pinapaso ang buto ko.

Dali-dali akong tumakbo palabas ng arena bitbit ang bag ko. Pumunta ako sa pinakamalapit na restroom at isinara ang pintuan ng isang cubicle doon. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko at nawala na lang bigla ang init na nararamdaman ko kanina.

Nakarinig naman ako ng langitngit ng pinto. Ikinubli ko lang ang sarili ko at umupo sa nakatakip na toilet bowl.

"Oh my gosh! Talaga bang maghaharap ang Elites at A-List?" Rinig kong wika ng isang babae. Ang taray ng boses niya at sobrang tinis.

"Yeah. I've heard na talaga daw na babawi ang mga Elites. Remember noong last year, A-List look down on them. Binully pa nga ni Samrael si Seven my loves. Gosh!" Mukhang mga second year pataas sila, ah.

"Of course. Ugh, let's go na. We'll take lunch pa eh." Narinig ko na ang tunog ng pinto kaya tumayo na ako at binuksan ang pinto. I walk towards the sink and wash my hands. Naghilamos na rin ako at saka isinandal ang mga kamay sa sink. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at saka bumuntong-hininga.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesWhere stories live. Discover now