[29]: A Secret Worth Telling

256 24 0
                                    

CHAPTER 29
A Secret Worth Telling
~*~

HARRIET

         NAGULAT na lang ako nang ipatawag daw ako sa High Council Hall na matatagpuan sa loob ng academy. Napabuntong-hininga ulit ako at tumayo. Maliligo na muna ako at mag-aayos.

Tumagal lang ako ng tatlumpung minuto at saka isinuot ang isang mint green na dress na aabot hanggang sa tuhod ko. Isinuot ko ang isang high heeled white sandals at nagsuklay. Pumasok sa kwarto ko sila at dire-diretsong umupo sa couch.

"Don't do anything stupid in front of them. Mahigpit ang lolo ni Clark pati ang mama ni Julius." Sabi ni Draco. Tiningnan ko siya ng masama. Para namang gagawa ako ng masama eh.

Nandito pa rin ako sa loob ng infirmary at lalabas na rin ngayong araw. Dinala na rin nila ang mga gamit ko at iniwanan lang nila ako ng damit para mamaya. Ipinatawag ako ng High Council sa hindi ko malamang dahilan.

Isinuklay ko ang buhok ko at hinayaan ko na lang na nakalugay. Inilagay ko ang clip malapit sa tenga ko at saka bumuntong-hininga muli.

Lumapit si Alexa sa akin at ikinabit ang hikaw ko. She smiled at me and I smiled too.

"Just be yourself. Ipinatawag ka lang nila kaya sila ang mag-adjust." Sabi niya at ngumiti muli.

"Alam ko. Tara na nga." Sabi ko at sabay kaming lumabas. Sabay-sabay kaming pumunta doon sa may President's Building at bago ako pumasok doon ay kaniya-kaniyang habilin sila.

"Mainitin ang ulo ng lolo ni Clark talaga pero mabait 'yon!" Sabi ni Draco. Pinipigil ko lang ang sarili ko na batukan siya. Kanina pa 'to eh!

Tila naman natupad ang inaasam ko at bigla naman siyang binatukan ni Alexa. Napahimas si Draco sa batok niya at nagreklamo.

"Ang sadista mo, Alexa! Ang bait bait mo sa boyfriend mo tapos sa amin ang lupit mo." Reklamo niya. Napangiti na lang si Alexa sa kaniya.

"Syempre! Inaapi niyo ang best friend ko!" Sabi niya at napatingin sa akin.

"Bahala na nga kayo! Papasok na ako!" Sabi ko at pumasok na sa loob. Hindi ko na sila pinakinggan at sinalubong na si Apollo, ang siyang nagpatawag sa akin. Inihatid niya ako hanggang sa ikaapat na palapag at kasalukuyan akong nakaharap sa dalawang napakalaking oak wood door. May mga carvings siya na may kinalaman sa society namin.

"The High Councils are waiting for you." Sabi niya at binuksan na ang pinto. Nang mabuksan na ang pinto, sumalubong sa akin ang mga tao na talagang tiinitingala sa buong Pax et Alliance. They had a powerful aura and the look of power and fierce are visible on their face.

"

A-Ah, ipinatawag n-niyo raw po a-ako?" Sabi ko at bahagyang nautal. Gosh! Nandito kaya ang buong council at nakaharap ko pa!

"Yes. Have a seat Lady." Sabi ng isang magandang babae. Bagama't matanda na siya, maganda at bakas pa rin sa kaniya ang kagandahan niya. She had a powerful and fierce aura. Hindi siya ngumingiti pero hindi rin sumisimangot. Napakaganda niya at mababakas sa kaniya na isa siyang werewolf.

Umupo ako sa bakanteng upuan. Upuan na nasa gitna at nasa harap nila. Natatakot ako and at the same time ay kinakabahan. "Uhm, a-ano pong ginagawa ko dito?" Tanong ko ulit. Hindi nakatakas sa akin ang mga mapanuring tingin nila. Nakita ko rin na nakatingin lang sa akin ang babae. I don't know who is she kasi hindi naman ako masyadong nakikinig sa mga pinagsasabi ng mga prof namin about sa mga High Council na 'yan.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesWhere stories live. Discover now