[42]: True Intentions

223 16 0
                                    

CHAPTER 42
True Intentions
~*~

"I AM not sure after that move. Walang kasiguraduhan na mabubuhay siya after the curse melted. Maaring mamatay siya o… hindi ko alam." Sagot sa kaniya ni Blake. Tila naman mas lalong nanigas sila dahil doon.

"M-May magagawa ka pa hindi ba?" Tanong ni Alexus kay Blake. Napatingin naman si Blake sa kaniya na may halong lungkot at isang ekspresyon na siyang nagdala kay Alexus sa pagsuntok kay Blake.

"Gago ka! Anong sinasabi mo?! Na wala na talagang pag-asang mabuhay si Alexa o 'di kaya ay masama siya sa sinasabing pagkawasak ng Dark Kingdom?!" Tugon nito at saka pinagsusuntok si Blake. Ngunit parang nawalan naman ng lakas ang huli dahil hindi na siya pumalag sa mga suntok ni Alexus.

Pumagitna naman si Sir Damian sa kanila at pinigil si Alexus sa pananakit kay Blake.

"Alexus, stop hitting him. Nangyari na ang nangyari. We will do anything just to save them all. For now, try to save others while we are here." Paliwanag ni Sir Damian sa kanila at saka nilingon ang iba pa ni lang kasama. "Draco, Denver, Toffer, and Seven, join him. Alam niyo na ang gagawin." Utos niya at saka sila tumango. Sinamahan nila ang kanilang kasama papalabas at saka naman sumama ang isang propesor na si Severus upang masabihan ang iba na lumikas na. Naiwan doon si Sir Damian, Blake, Harrison, Alexa, si Harriet at Clark na kasalukuyan pa ring nakahiga sa malapad na bato.

"Blake, do everything to save her. Kami na ang bahala sa dalawa." Utos ni Sir Damian at agad naman na tumalima ang kaniyang kausap. Agad na sinubukan ni Blake na aralin ang kakayahang naibigay niya kay Alexa kahit na sa madaling panahon ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya ito makayanan.

"I'm sorry." Matipid na sabi ni Blake kay Alexa. Napangiti naman ng tipid ang huli at saka bumuntong-hininga.

"Apology accepted. H'wag mo nang i-try na alisin ito. Kung talagang kagustuhan ng Luna Goddess na mamatay na ako ngayon, then go. But please, can you bring Yuan here? Kakausapin ko lang siya at magpapaalam na." Sabi ni Alexa at saka ngumiti ng malungkot. Agad na ngumiti ng tipid si Blake at nawala na lang sa harapan niya.

‘I hope we'll find our ways to our heart, Yuan. And I hope Blake will not be like this on his next life. If I had a wish to make, sana maging maayos na ang lahat. Sana, maging maayos sila…’

Samantala, napailing na lang si Sir Damian habang tinitingnan ang dalawang kabataang nakahiga sa napakalapad na bato. Hindi niya mawari kung bakit hindi pa rin ito nagigising matapos ang ritwal na ginawa ng mga misteryosong mga salamangkero.

"Harriet is on her recovery. Si Clark naman, nalason siya ng sarili niyang ability." Sabi ni Harrison matapos tingnan ang kalagayan ng dalawa.

"How is that possible? Paanong nalason ang katawan ni Clark?" Tanong ni Sir Damian sa katabi.

"We don't know Sir, but I hope he'll recover soon." Sabi nila at saka napabuntong-hinga.

THE adviser of the king stood firmly and walked towards the direction of the king of the Vampire Kingdom. The mighty King Valerian Huster of Vampire Kingdom.

They are currently in their neighbour Vampire Kingdom in the south. Tinutulungan nilang maresolba ang mga nangyayari ngayon dito dahil hindi na rin ito nakakayanan ng mga mamamayan at mga namumuno dito. The South Vampire Kingdom are not like the other kingdoms with million square kilometers on their land at hindi rin ito gaya ng ibang kaharian na may milyon-milyong miyembro ng kanilang lipunan. Kaya tinutulungan na ito ng iba pang kaharian gaya na ng Kaharian ng mga Bampira na nagmula sa Hilaga.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesWhere stories live. Discover now