[33]: Start of the Real Mission

210 19 0
                                    

CHAPTER 33
Start of the Real Mission
~*~


         ISANG napakalaking desisyon ang kaniyang nagawa; na siyang naghatid sa kaniya sa kapahamakan.

Agad na sumigaw si Alexa ngunit tila walang nakakarinig sa kaniya. Ang mga taong gaya niya ay nakakulong din sa isang napakaduming kulungan ay humihikbi at ang iba naman ay nakatulala. Tila ba'y alam na nila ang kanilang kahihinatnan, gaya ng mga nauna sa kanila; ang maging tagapag-bigay ng dugo sa mga maharlikang bampira na nasa loob ng itim na kastilyo at ang patayin matapos nito.

"Help! Tulong! Ugh!" Sigaw niya muli. Naulit ito ng ilang beses hanggang sa maramdaman niya na masakit na ang kaniyang lalamunan, pero hindi siya tumigil hanggang sa isang boses ang nakapatigil sa kaniya. Napakalalim no'n at tila galing sa hukay. Tinantiya niya ang layo ng boses at napagtanto niya na nasa pinakamalayo 'yon na selda. Ang pinakamadilim at pinakamalayo.

"Shut up! Don't waste your time and energy on crying for help. No one's helping you here. You're nothing compared to them! You're just a jackass that enter the lion's den." Matigas niyang sabi. Napaluha na lang si Alexa at mahinang humikbi sa isang gilid.

"I-I thought Harriet's here. Gusto ko siyang iligtas pero pagdating ko dito, I don't see her. Tama ka, nauto lang ako." Humihikbing wika niya. Napabuntong-hininga muli ang lalaki at saka niya pinatunog ang tanikalang nakalagay sa mga braso at paa niya. Lumikha iyon ng isang  nakaririnding ingay na siyang nakapatigil sa mga iyakan na nagmumula sa ibang mga taong nakakulong.

"A-anong ginagawa mo?" Naguguluhang tanong niya. Ngunit tila walang narinig ang lalaki at ipinagpatuloy niya ang pagpapaingay sa tanikala. Tila ba'y sanay na ang mga nando'n at hindi na umalma maliban sa babaeng kadarating lang sa isang mala-impyernong lugar.

Matapos ang isang oras na pagpapaingay ng lalaki sa kaniya ng tanikala, nagsalita muli siya. Ngunit sa pagkakataong ito, nanayo ang mga balahibo ni Alexa. Hindi dahil sa gulat kundi sa kaba at pag-aalala.

"Alexa's your name, right? Right now, the Dark Kingdom already sent a clone that looks like you. He's going to kill your friends and spied at the academy. Pero isang napakalaking desisyon rin ang ginawa ng kaibigan mo, sana ay maging ligtas siya."


~*~
HARRIET

        I STAND straight and walk towards the door. Iningatan ko ang pagsara sa pinto upang hindi makagawa ng ingay. Naglakad na ako papunta sa labas at mabuti na lang ay tulog na sila. I feel I am like a thief stealing a time in a night. Napaka delikado ng gagawin ko but I want to confirm everything first.

Tumakbo ako papunta sa boys' dormitory at umakyat sa mga pipes doon. Nasa second floor lang naman ang room ni Yuan pero kailangan kong mag-ingat. I trace his smell when I reached the second floor and I sat on the veranda of one of the rooms there. Naamoy ko si Yuan sa may ikatlong kwarto mula sa kinatatayuan ko kaya nagsimula na akong tumalon sa mga veranda. Mukha na akong pusang itim sa ginagawa ko eh. Black pants, shirt with kong sleeves, hood and footwear. Pati bag ko ay itim rin.

Kinatok ko ang bintana nila but no one answered. Napakatahimik ng lugar at tanging maririnig mo na lang ay ang mga malalakas na hilik nila. Si Clark kaya, does he snore?

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesWhere stories live. Discover now