[17]: Preparation

396 28 0
                                    

CHAPTER 17
Preparation
~*~

HARRIET


         NAALIMPUNGATAN ako sa mga ingay na nagmumula sa paligid. Umupo ako sa kama ko at sinapo ang ulo.

"Ahh, may makakain ba dito?" Rinig kong tanong na siguro ay mula kay Toffer.

"Kapal mo! Hindi sa'yo 'to!" Sagot ni Alexa.

"Meron diyan sa ref—Ugh!" Napasapo ulit ako sa ulo ko ng kumirot ito. Ano bang nagyari?

"Harriet!" Bigla na lang sumigaw si Alexa at yinakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik at ngumiti. Problema niya?

"Bakit ang sakit ng ulo ko? And why are you all here? Aish! Ang tagal ko pa lang nakatulog." Tanong ko at napasapo sa ulo ko. Ah! Baka nasobrahan sa tulog kaya gan'to. Ganito kasi ang mga sinasabi ni Tiyang. Nakakamiss din pala 'yun?

Binigyan ako ng nagtatakang tingin ni Alexa. "M-matagal nakatulog?" Tanong niya at bahagyang nautal.

"Oo. Nagising kasi ako kaninang madaling-araw at nakatulog na lang ng mga umaga na. Problema?" Kasabay ng pagsagot ko ay ang pagtango ko.

"Wala. Siege makikikain kami ha." Sagot ni Alexa sabay talikod at nilapitan naman siya ni Alexus.

Naharangan naman ako ng biglang umupo sa harap ko si Yuan at Seven at nagsimulang magtanong sa akin.

"Harriet, okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Yuan.

"Oo naman. Ano namang ikasasama ng pakiramdam ko? Bukod sa…" pinutol ko na ang sasabihin ko at hindi na nag-isip pa. May mga mind reader pala dito.

"Talaga ba?" Paninigurado ni Seven. I nod my head at him as a answer.

"Wait! Bakit nga pala kayo nandito? Pinapasok kayo ng dorm lady—" natigil na lang ako ng lagyan ni Seven ng hintuturo ang labi ko.

"Sssh. Syempre, we teleport here. Ang sungit kasi nung dorm lady niyo, mukhang man hater. Hindi nadadala sa charm naming lima." Naiiling na sabi ni Seven. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit lima? Hindi kasama 'yung dalawa?" Inginuso ko si Clark at Harrison na nakupo sa couch at may hawak na magazine.

"Yeah." Sabi niya at tumango. Inalis ko naman ang kumot sa lap ko at bumaba sa kama.


"Kanino nga pala 'tong singsing? Mukhang engagement ring." Sabi ko at tiningnan ang singsing na nasa kamay ko.

"Sa'yo. Pero huwag mong huhubarin 'yan ah. Kahit anong mangyari." Sagot ni Alexa.

Tumango na langako at may inamoy. Amoy masusunog na. "Masusunog 'yung iniinit mo." Sabi ko at napatakbo siya papunta sa kusina.

"Kain na!" Sabi ni Alexa. Lumapit naman sila doon at nagsimulang kumain. Lumapit na rin ako at tumabi kay Alexa at sumandal sa pader.


"Next week, we'll be having a preparation for the upcoming festival." Sabi ni Alexa. I nod my head.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesWhere stories live. Discover now