[5]: Dinner and Gifts

770 40 6
                                    

CHAPTER 5
Dinner and Gifts
~*~


HARRIET

GUMISING ako ng lutang, naligo, kumain, pumasok sa klase at umuwi. Hindi ko na napansin ang mga pangungulit ng mga kaibigan ko kasi lutang ako.

Lumabas na ako ng C.R at lumapit sa aparador ko. Kinuha ko ang laptop ko at inopen. Nag-log in lang ako sa Viu at manonood ng mga Koreanovelas. Maybe, I need to refresh myself from that shadow thingy na 'yon.

Pero napaisip ako. Ba't na ang OA ko. Shadow 'yon na nasa likod ng puno. For sure, anino lang din 'yon ng puno, eh. Pero.......parang hugis-tao eh. Ahh! Baka maligno lang siya at napadaan lang doon para mapatingin sa akin. Tama.......tama! Maligno lang 'yon na nabighani sa ganda ko!

ALAS-ONSE na ng tanghali ng magising ako. Medyo lutang pa nga ako noong nakaraang araw pero nadistract naman ako ng mga gawain sa school at mga movies na pinapanood ko.

Masigla akong pumunta sa C.R at naligo. Hindi ko nakita si Alexa sa loob ng dorm namin pero for sure, nasa cafeteria na 'yon para kumain ng tanghalian.

Maong na shorts na hanggang tuhod at hanging shirt na mahaba ang manggas na aabot sa siko ko ang damit ko. Tumingin ako sa salamin at nagsuklay. Nakita ko naman ang dalawang Gucci na bag sa ilalim ng mata ko. Pero imbes na magalit, natuwa pa ako. Nakamove-on na kasi ako sa shadow-thingy na 'yon. Ibinlower ko ang buhok ko at kinuha ang white Nike cap ko at isinuot ang rubber shoes ko. Medyo makulimlim kasi ang langit. Isinuot ko lang din ang shades ko para hindi masyadong kita ang eye bags ko. Naglagay na ako ng pulbo at lip balm kanina at hinanap ang concealer ko pero sa kasamaang-palad, ubos na. Hahaha. Hinayaan ko lang ang buhok ko na nakalugay. Lumabas na ako ng dorm at pumunta sa cafeteria. Kumakalam na din ang sikmura ko eh.

Pagkarating ko sa cafeteria, binuksan ko ng malakas ang pintuan kung kaya't napatingin ang ilang estudyante sa akin.

"Good morning!" Bati ko sa kanila. Wala pa namang alas-dose kaya, morning pa din.

Nagtataka naman na napatingin sila at ibinalik na ang tingin sa ginagawa nila. Nakita ko naman na kumakain si Yuan at Alexa kasama ang mga Elites. Bumili na ako ng pagkain. Dinamihan ko pa kasi nga wala pa akong kain mula kagabi hanggang ngayon. Umupo ako sa pagitan ni Alexa at ni Yuan. Hindi ko pa rin inaalis ang shades at cap ko.

Nagtataka naman na napatingin si Alexa at Yuan sa akin. Pati na din ang mga kasama namin sa upuan.

"Problema mo?" Tanong ni Yuan sa akin. Napangiti naman ako at inalis ang cap ko. Sinuklay ko pa ang buhok ko gamit ang kamay ko.

"Oo nga. The past four days, parang balisa ka tapos ngayon........ Namaligno ka 'no?!" Exaggerated na sabi ni Alexa.

"May boyfriend na ako!" Tili ko. Napalingon naman ang lahat sa akin na nandito sa mesa.

"Boyfriend?! Hala........" Naiiling na sabi ni Pito.

"Boyfriend?! Saan? Gwapo ba?" Tanong ni Alexa.

Lumingon naman ako sa kaniya at inalis ang shades ko, sabay sabing "Sobra!"

Napalingon naman kami ng bumagsak ang kutsara ni Clark. "Sorry but I'm not sorry." Cool niyang sabi.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon