[12]: A-List

455 34 2
                                    

CHAPTER 12
A-List
~*~


ALEXUS

     NAPATAKBO kami ng mga Elites papunta sa building ng President ng academy. Nag-uunahan kami sa pagtakbo doon. Saktong pagkatapak ko sa huling baitang ng hagdan sa first floor ay nakita ko si Clark at Harrison na nakahalukipkip at nakasandal sa isang haligi ng infirmary. Napailing na lang ako at napabagal ng paglalakad. Bakit nga ba hindi ko naisip magteleport, ano?

Sinuntok ko sa braso si Harrison at tumabi sa kaniya. Napangiti na lang siya at inabangan ang mga nandoon sa pababa na lift. Mayamaya, lumabas na sila at napailing na lang din.

"Bakit hindi pumasok sa isip ko na gumamit ng teleportation technique, 'no?" Sabi ni Toffer at sinapok ang ulo niya.

"Oo nga, 'no! Pero hayaan mo na!" Sabi ni Syete at saka naglakad na papalabas.

Sumabay naman ako kay Harrison maglakad. Medyo mabagal lang kaming naglakad kaya kami na lang ang nahuhuli na makarating sa building ng President. Sabay-sabay kaming nagteleport papunta sa office ng president. Pagbukas ni Clark ng pintuan ay nakita namin si Mr. July na nakasandal ang ulo sa kamay niya. Napalingon naman siya sa amin ng marinig niyang bumukas ang pinto. Sabay-sabay kaming nag-bow at saka pagkatapos no'n ay nagsalita na si Clark. Siya lang kasi ang hindi takot sa kuya niya.

"Something happened when the rebels attack last three days." Clark said in a calm way. Iwinuwestra naman ng President ang mga couch sa gilid kaya pumunta na kaming doon. Sumunod din si Sir July at sabay-sabay na umupo kami.

"I know. Your friends got—" agad na pinutol ko ang sasabihin niya kasi hindi naman 'yon ang nais sabihin namin.

"No! It's not what we are going to say. We are here to tell you that something happened to Harriet and her friends.  Aarush, the rebel who lead the attack, whispered something to Harriet." I said to him. Nababakas ang pag-aalala sa mukha niya ng marinig ang sinabi ko.

"Anong sinabi niya?" Tanong ni sir sa amin. Nagkatinginan naman kaming mga Elites at nagsalita na si Harrison.

"He said that the attack three days ago, was the beginning. He even called Harriet… mistress." Sabi ni Harrison. Napatayo naman si Sir at tumingin sa amin.

"What?! That means…"

"Yeah. And we need to guard that girl." Dagdag na sabi ni Harrison.

Yeah. We must guard that girl and why is she connected to the rebels that's why Aarush call her 'Mistress'.........

~*~
HARRIET


      NAPANGUSO na lang ako ng maalala ko na mayroon na naman kaming PSACS ngayong hapon. Kinuha ko na ang bag ko at humalik sa pisngi nila.

"Bye na. May PSACS pa tayo eh. Eto pala mga notes ko. Pinapabigay nga pala nila Wen sa inyo pati mga ibang kaklase natin." Iniabot ko sa kanila ang mga paper bags na nakalagay sa couch. Ngumiti lang ako sa kanila at saka lumabas na sa room nila. Pagkalabas ko, pumunta agad ako sa lift at pinindot ang ground floor. Pagkababa ko, lumabas na ako at dumiretso sa restroom na nasa paligid. Nagbihis lang ako ng uniform namin at saka inayos ang bag ko. Dala na rin ng hindi ko pagtingin sa dinaraanan ko, nabangga ako sa isang matigas na kung ano. Napabagsak naman ako at nahulog ang bag ko. Wala naman nahulog na gamit kasi naisarado ko na din kanina. Isinuot ko lang ang bag ko at may nakita naman ako na kamay. Inabot ko lang ito para matulungan akong makatayo. Pagkatayo ko, nakita ko kung sino ang nag-abot ng kamay sa akin. He has a nice thick eyebrows, a chinky eyes that is invisible while he is smiling, a pointy nose and a pinkish lips.

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesWhere stories live. Discover now