JEREMY's POV
"Hoy pre, Jeremy!" tawag sa akin ng Best friend kong si Johhan nang makarating ako sa school. Nag tricycle lang ako dahil public school lang ang pinapasukan namin. Walang parking lot.
"Nakailan kang babae ngayong bakasyon, Johhan?" biro ko sa kaniya. Alam ko namang loyal 'tong bestfriend ko e. Masyadong under sa kaniyang 2 years girl friend niya.
" 'wag mo nga akong itulad sayo, Jeremy!" heto nanaman po tayo pikon nanaman ang best friend ko haha.
"pikon ka lang HAHAHAHA!" Asar ko sa kaniya. Sa totoo lang yung girl friend niya ngayon ay napag tripan lang namin noon. Grade 9 kami noong napagtripan namin si Angela which is yung 2 years Girl Friend ni Johhan. Hindi namin akalain na magbabago si Johhan dahil sa kaniya. Noon ay napaka babaero ni Johhan pero mas babaero ako syempre mas lapitin ako ng babae e haha.
"Hindi ako pikon sadyang loyal lang ako kay Angela. Ayoko lang na mawala siya." seryoso niyang ani.
"Asus! Iiwan ka rin niyan! HAHAHAHA!" Asar ko sakaniya.
"Manahimik ka nga diyan, Reyes!" pikon niyang ani.
"Tara na nga! Baka mas lalo kang mapikon!" asar ko pa lalo sa kaniya. Naglakad pa kami ng kaunti hanggang sa narating namin ang isang classroom.
"Hoy Jeremy! Ang ganda nung babae oh!" sigaw sa akin ni Johhan nang makarating kami sa Senior High School Building. Napatingin ako kung saan siya nakatingin. Sa loob ng classroom yung babae na sinasabi niyang maganda. Nakatanaw kami sa bintana.
Pero teka? Yung babaeng yon... Siya yung... Nasa ilalim ng puno! Yung sinagot sagot ako!
"Oh Reyes! Bakit natameme ka sa babaeng yon? HAHAHAHA! Mukhang napana kana ni kupido ha? HAHAHAHA!" asar niya sa akin!
"Manahimik ka nga diyan! Yan yung babaeng pangit sa ilalim ng puno e!" naaasar kong sigaw!
"Teka... Nagkita na kayo?" kunot noo niyang tanong.
"Oo! Hinding hindi ko makakalimutan yung babaeng yan!"
"Sabagay sa ganda ba naman niya sinong makakalimot di 'ba?" asar niya pa sa akin!
"Manahimik ka nga diyan!" sigaw ko sa kaniya! Nakakainis!
"Pero, Jeremy.. Bakit nga ba hindi mo siya makakalimutan?" nang aasar ang tinig niya!
"Syempre siya lang naman ang babae na naglakas loob na sagot sagutin ako!" Naiinis kong sigaw.
"Pero mukhang nagagandahan ka sa kaniya, Reyes." asar niya pa sa akin.
"Manahimik ka nga diyan ang pangit pangit kaya non!" depensa ko.
"Ganyan din ako dati kay Angela, Reyes. Tandaan mo HAHAHAHA!" mas inaasar niya pa talaga ako!
Hindi na lang ako nag salita sa inis ko sa kaniya. Agad kong hinanap ang Classroom ko. Rinig ko ang tilian ng mga kaklase ko nang makapasok. Napaka Gwapo ko talaga.
CARRIE's POV
Nandito na ako ngayon sa classroom namin. Wala akong makausap napaka boring dito. Maingay ang paligid dahil sa dami ng mga nag uusap. Nawala ang pagiging bored ko nang may isang babaeng madaldal na lumapit sa akin. Cute siya at medyo matangkad. Morena.