CHAPTER 31

35 2 0
                                    

"Girlfriend?" Nagtatakang tanong ni Ate Lizeth at Andrei.

"Kapal ng mukha mo, kahit gaano ka pa ka gwapo hindi ka papatulan neto!" Nagmamalaking sigaw ni Andrei.

"Jeremy, tama na.." naiusal ko. "Ayoko na.." sabi ko pa habang tumutulo na ang luha.

"Carrie, hindi pwede.." nagmamakaawa niyang sabi.

"Dahil gagamitin mo pa siya?!" Sigaw ni Ate Lizeth.

"Ate.." pagmamakaawa ko.

"Ako nang bahala, umalis na kayo," seryoso niyang sabi.

"Hindi!" Sigaw ni Jeremy. "Kailangan naming mag usap!" Sigaw niya pa.

"Huwag mo nang lalapitan si Carrie naiintindihan mo?!" Sigaw niya.

"Carrie.." pagmamakaawa pa niya.

"Sorry, ayoko na.." mga huling salita kong sinabi bago mawalan ng malay.

"Carrie!" Dinig kong sigaw niya bago tuluyang mawala sa reyalidad.

Nagising ako sa hindi ko alam na dahilan. Nagising ako ng isang madilim na silid ang sumalubong sa aking mga mata. Walang tao. Nakakatakot. Ngunit laking gulat ko nang may pumasok na tao sa pintuang nasa harap ko. Si Jeremy.. napausod ako sa dulo ng kamang kinahihigaan ko kanina dahil natatakot pa rin ako.

"Carrie.." mahinahon niyang tawag sa akin dahilan para mapaiwas ako sa gawi niya.

"Jeremy, nasan ako..?" Tanong ko bagamat may takot sa tono.

"Wag kang mag alala, nandyan sina Carlo at Lizeth sa labas ng pintuan," sabi niya saka ngumiti. "Gusto lang sana kitang makausap," paliwanag niya.

"T-tungkol saan?" Nauutal kong tanong.

"Sa atin.." aniya. "Gusto kong sanang malaman, ayaw mo na ba talaga?" Tanong niya na sobrang nakakaawa ang itsura. Umiling ako. "Mahal mo pa ba ako?" Tanong niya pa.

"Jeremy.." naiusal ko.

"Carrie, gusto kong malaman," nakakaawa niya pa ring sabi.

"Jeremy, hindi naman mawawala yon agad agad e," mahina kong sambit kasabay ng pag tulo ng luha ko.

"Mahal mo ako pero ayaw mo na?" Tanong niya. Tumango ako. "Huwag kang mag-alala nire-respeto ko ang disisyon mo, pero sana hayaan mo ako, na mahalin ka kahit sa malayo," pagmamakaawa niya. Muli akong tumango. "Salamat, Carrie, Mahal kita.." sunod sunod niyang sabi saka tuluyang lumabas.. gusto ko siyang habulin pero nandoon pa rin ang takot ko.. parang nawala na ang tiwala ko.. parang natatakot na ako..

"Trying to forget someone you love is like trying to remember someone you've never met," Bulong ni Nathalia sa akin. Nandito pala siya sa kwarto ko.

Makalipas ang isang taon ay ganito pa din ako. Madaming nabago sa akin. Takot akong makisalamuha sa tao. Takot akong mag tiwala.. hindi katulad noon na lahat ng tao ay sinasagot sagot ko.

"Let your self moveon, wag mong pigilan," bulong niya pa.

"I can't.." naiusal ko dahilan para muli na namang tumulo ang luha ko.

"I know you can." Madiin niyang ani.

"Carrie, your mom want to tell you something!" Sigaw ni daddy mula sa labas ng kwarto ko.

"Tito, lalabas na po kami!" Sigaw ni Nathalia pabalik.

"We'll wait!" Sigaw pa ni daddy saka namin narinig ang pagalis niya.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now