EPILOGUE

107 4 0
                                    

JEREMY's POV

Nasaktan ako nang sabihin ni Carrie na hindi ko deserve ang happy ending.. pero kahit saang banda tingnan ay tama siya.. nasaktan ko siya at madami rin akong nasaktan na iba. Bago pa man siya.. sa sobrang childish ko noon ay gusto kong madami akong babae dahil noong umpisa akala ko'y ito ang basehan ng pagiging totoong lalaki. Pero nang dumating si Carrie sa buhay ko. Nabago ang pananaw ko. Binago niya yung siraulong Jeremy na gusto lagi ay pabago bago ng babae.

Noong pag tripan at pag pustahan namin siya ni Aldrin ay alam kong may iba. Iba ang pakiramdam ko sa kaniya. Dahil noon pala ay nakita ko na siya.. kapatid pala siya ni Carlo ang tinuring kong mortal na kaaway ko. Dahil palagi na lang dahil lagi na lang ako ikinukumpara sa kaniya ng magulang ko.

Niligawan ko si Carrie for the third time hindi para gamitin siya sa kuya niya. Niligawan ko siya dahil mahal ko siya.. gusto ko siya.. at sa mga oras na iyon ay alam ko na sigurado na ako.. sa kung ano ang nararamdaman niya.. ipinakilala ko siya kay kuya Jervic dahil ang nasa isip ko ay kami na talagang dalawa hanggang sa dulo.. hindi ko akalain na dadating sa punto na ito.. malalaman niya ang sikreto ko.. yung ugali ko noon na alam kong hindi niya kayang gustuhin at katatakutan niya. Ang araw na ito ang kinatatakutan ko na malaman niya ang dating ako.. yung dati ako na kinayang baguhin ng tulad niya..

"I have a plan," seryoso kong ani. "Nang makita ko si Carlo sa bahay na tinutuluyan ni Carrie ay nakabuo na ako ng plano, plano ko ang sundin mo," pagpapaliwanag ko na hindi naaalis ang pagiging seryoso sa mukha.

"I will, boss." Sambit ni Aldrin habang nakangisi.

Makalipas ang ilang minutong pagtingin tingin at pag ngisi ngisi sa akin ni Aldrin ay sinabi ko sa kaniya ang plano

"Suko na tayo," bigla kong sabi. Kunot noo siyang napatingin sa akin bigla.

"Ano?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Kung gusto mong ituloy ay ituloy mo pero sana hindi na madamay pa si Carrie dito," seryoso kong sabi.

"I can't believe you, Jeremy." Umiiling iling niyang sabi.

"Aldrin, I trust in you." Seryoso kong sabi bago bumaba at kumain sa kusina at iniwan siya doon. Matapos ang mahabang pananatili sa sala ay naisipan kong puntahan si Carrie. I miss her. Recognition pa nung huling nagkita kami. "Si Carrie po?" Tanong ko sa Tatay niya nang marating ang bahay nila.

"Carrie? Hindi ba't pumunta sa inyo kanina? Hindi ba nag paalam sa iyo?" Taka niyang tanong.

"Po? Paalam?" Pag uulit ko lang sa iba niyang sinabi.

"Hindi niya ba nasabing uuwi na siya?" Taka niya pa ring sabi.

"Wala po siyang na mention sa akin na uuwi na siya," seryoso kong tanong.

"Kung gusto mong makausap ay puntahan mo sa Maynila, Jeremy hijo. Ang pagkakaalam ko ay hindi na rin makakabalik ang isang yon dito," seryoso niyang sabi sa akin.

"T-totoo po ba yon?" Kabado kong tanong. Naalala ko si Tita Hannah.. "S-salamat po.." sabi ko pa bago ko siya talikuran. Hindi ko kayang humarap sa kanila sa Manila lalo pa't alam kong may kasalanan kila Tita Hannah sila Mommy at Papa. Ngunit kahit ganoon ay nilakasan ko ang loob ko. Gusto kong makausap si Carrie. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit hindi siya nag paalam.

Bumalik ako sa bahay para mag palit ng sasakyan iyong alam kong tatagal sa haba ng byahe. Ngunit bago pa man ako maka alis ay nag tanong sa akin ang isa sa aming kasambahay.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now