CHAPTER 6

111 6 0
                                    

Matagal ko na siyang kilala! Grade 10 Classmate! And a friend? Are we still friend?

"Are you okay, Carrie?" tanong niya sa akin.

"I'm fine, Josh" ngiti ko rito.

"Baka ma late kana! Nice meeting you again, Carrie Ann." masaya niyang ani.

"Thank you ulit!" nagmamadali kong ani dahil baka dumating yung teacher namin.

Akma na akong tatakbo nang biglang... "Carrie Ann, kita tayo sa Food court mamaya!" sigaw niya dahilan nang bigla kong pagngiti.

Bumaling ako sa kaniya saka ngumiti at tumango tango. Matapos 'yon ay nagmamadali akong pumasok sa classroom eksaktong pag upo ko ay dumating na ang first teacher.

Pagkapasok pa lang ay nasa akin na ang tingin niya. Favorite niya ako ha?

"Ongsee!" bigla niyang sigaw na ikinagulat ng lahat. Hindi na 'ko nagulat alam ko namang favorite niya na ngayon e.

"Yes, Ma'am?" mataray kong ani saka tumayo.

"Kilala mo ba ang lalaking 'yon?" tanong niya. Alam kong si Josh ang tinutukoy niya.

"Yes, Ma'am." sagot ko.

"Anong koneksyon niyong dalawa?" tanong niya na ikinainis ko.

"None of your business, ma'am." sagot ko.

"Ongsee, sabihin mo sa 'kin.. Is he your boyfriend?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. .

"Pati ba private life ko ay pakikialaman mo?" pagsusungit ko.

"Ganyan ka ba talaga?"

"Hindi naman talaga ako ganto, ma'am. Mabait naman ako. Ang kaso lang ay hindi ka mabait sa 'kin. Kaya hindi ako mabait sayo,"

"Bakit ba nagpapaligoy ligoy kapa? Bakit hindi mo sagutin ng deretsahan ang tanong ko?"

"Ma'am Francisco, kung may gusto ka kay Josh sabihin mo. Hindi yung nagpapaligoy ligo ka pa,"

"Ano namang proweba mo na may gusto ako dun?"

"Yung selos mo, ma'am. Alam kong nakita mo kami kanina. Magkayakap. Kaya nga napaka harsh mo sa 'kin ngayon di 'ba?"

"Paano mo naman nasabi na nag seselos ako?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Sorry, ma'am. Hindi po kasi ako manghuhula e," simple kong sagot.

"Alam mo bang kaya kitang ikick out dahil diyan sa pagsagot sagot mo sa 'kin?!" pasigaw niyang sabi. Nagyayabang.

"Ma'am, pasalamat ka nga at sinasagot pa kita e dahil kung hindi magmumukha kang tanga dyan na nagsasalita mag isa," sagot ko.

"sagutin mo na lang ang tanong ko, Ongsee!" sigaw niya. Naiirita.

"Ma'am , hindi ako pumasok dito para interviewhin mo. Pumasok po ako dito para matuto. Ikaw ba ma'am? Nagtapos ka ba ng kursong yan dahil gusto mong alamin ang buhay ng mga batang tuturuan mo?" Tanong ko pabalik.

"Kapag sinagot mo ang tanong ko ay magtuturo na ako. At hindi ako nagtapos ng kursong ito para malaman ang buhay ng tulad mo. I'm not interested by the way." mataray niyang ani.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now