CHAPTER 33

47 2 0
                                    

Matapos iyon ay nag paalam na din si Mommy may meeting daw siya na kailangang puntahan pero nangako rin siya na uuwi siya bago mag dinner para sabay sabay kaming kakain. Isang oras matapos siyang umalis saka ko lang napagdisisyonan na umakyat dahil sobrang boring doon may kumakausap sa akin tulad ni Mama pero na bo-bored pa rin ako.

Nang makaakyat naman ay bored pa rin ako. Feeling ko tuloy ang boring ng buhay ko. Matapos ko mag discuss sa sarili ko at i-explain sa sarili ko kung gaano nga ba ka-boring ang buhay ko ay nakatulog na rin ako. Nagising lang ako nang may tumawag sa akin sa labas.

"Carrie!" Sigaw ni Josh sa labas. Ano kaya ang ginagawa ng lalaking 'to dito?

"Why?" Tanong ko nang napag disisyunang buksan na ang pinto.

"You texted me last night right?" Tanong niya.

"Yes," simple kong sagot.

"Eligia was downstairs, she's waiting," seryoso niyang sabi.

"Agad?" Tanong ko na nanlalaki pa ang mata.

"Yeah, sinundo ko sila kaninang umaga," simple niyang sabi.

"Iba din tong tropa ko oh! Lakas manligaw ah!" Asar ko.

"I'm tired, Carrie. Go downstairs na please?" Halatang pagod niyang sabi. Mukha ring walang tulog.

"Ang manliligaw hindi nagiging tired, Josh." Ngiwi ko.

"Then I'm not tired," napapairap niyang sabi.

"Sleepy lang no?" Kunyare ay pag sang ayon ko sa kaniya.

"Yeah, kaya bumaba ka na," seryoso na niyang ani.

"Bababa na ako, I'll brush my hair lang muna," sabi ko saka siya pinag saraduhan ng pinto.

Ilang minuto rin ang nakalipas bago ako bumaba. Dahil wala lang trip ko lang. Nang makababa naman ay agad kong nakita si Eligia at Tita.

"Goodafternoon po," bati ko sa kanila. Hapon pa lang kasi na medyo mag gagabi na rin.

"Hi!" Masiglang bati sa akin ni Tita.

"Hi," bati rin ni Eligia.

"Dumaan lang sila dito para batiin ka, aalis na din kami, ihahatid ko na rin sila sa Condo ko sa bahay kasi ako matutulog," sabi ni Josh.

"They can stay here, Josh." Ngiti ko.

"But they can also stay in my Condo, Carrie." Seryoso niyang sabi.

"Let them sleep here, Josh." Ngiti ko pa.

"Unless they want to," napapairap na sabi sa'kin ni Josh.

"Tita, dito na lang po kayo matulog, we have 5 guest rooms po," ngiti ko kay Tita.

"Na'ko, hindi ba nakakahiya naman ata," pag tanggi ni Tita.

"Hindi po ano po ba kayo, sabihin ko po kay Mommy mamaya pag uwi niya, excited na nga po siyang makilala kayo e," Sabi ko habang nakangiti pa rin.

"Ganon ba? Sigurado ka bang ayos lang?" Tanong ni Tita.

"Opo, I'm 100% sure po," confident kong sabi.

"Sige," pag payag niya.

"Ma, nakakahiya po," singit ni Eligia.

"No, Eli. That's fine," ngiti ko sa kaniya.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now