CHAPTER 20

51 3 0
                                    

ELIGIA's POV

Nagising ako nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ni Carrie. Hindi ko alam kung sino dahil hindi naman ito nagsalita. Nang marinig na sobrang lakas na ng katok nito ay agad akong pumasok sa banyo para mag hilamos madilim pa sa labas nakita ko iyon sa kahoy nilang bintana. Nang matapos mag hilamos ay inaantok kong binuksan ang pintuan hindi ako nag salita dahil hindi pa ako nag tu-toothbrush.

"Carrie, take a bath it's already 6:30am." Inaantok ngunit istriktong sabi ng kuya niya na naka sandal sa hamba ng pintuan. Napatingin ako sa orasan dito sa kwarto ni Carrie tama siya 6:30 na nga ng umaga.

"Gisingin ko na po si Carrie," sambit ko habang nakatakip ang kamay sa bibig. Baka kasi mabaho ang hininga ko maamoy niya pa. Lalapit na sana ako kay Carrie nang muling mag salita ito.

"Oh, hey there, Josh's Special Friend," sambit nito saka ngumiti sa akin.

"Good morning po," bati ko saka tumalikod sa kaniya.

"By the way, Liya. Josh is waiting for you downstairs," sambit niya saka ako hinawakan sa balikat. "And.. please don't let my sister get hurt again, always make her happy. Thank you for the things that you have done for my sister." Dagdag niya pa saka ako tinapik tapik sa balikat. "Breakfast is ready," sabi niya matapos iyon ay narinig ko ang kaniyang pag baba.

Gigisingin ko na sana si Carrie pero nakita ko siyang nakangiti habang deretsong nakatingin sa akin. "Gising ka naman pala! Bakit hindi mo pinagbuksan ng pinto ang Kuya mo?!" Sigaw ko rito.

"Akala ko kasi si Josh, kaya hinayaan ko na lang na ikaw na ang mag bukas," ngisi niya.

"Sira ka talaga! Maligo ka na raw sabi ng Kuya mo!" Sigaw ko dahil sa pang aasar niya.

"Mauna ka na, gisingin mo na lang ulit ako kapag tapos ka na," ngisi niya pa rin.

"Tigilan mo'ko sa pag ngisi ngisi mo dyan, Carrie Ann! nako nako!" Pag babanta ko rito.

"Masyado kang maingay, maligo ka na don, I'm still sleepy." Matamlay niya nang ani.

"She's still sleepy daw pero kapag may chismis, gising! Tigilan mo ako, Carrie Ann!" Istrikto kong sabi.

"Take a bath first, just wake me up when you're done." Sambit niya saka niyakap ang unan ko kanina.

"Fine! Grr!" Kainis talaga itong isang 'to! Kinuha ko lang ang uniform ko bago ako pumasok.

Pagpasok ko ng banyo ay hindi ko napigilan ang mga ngiting kumawala sa aking labi. Josh!!! Ano bang ginagawa mo sa akin? Argh!! Natapos akong maligo ng nakangiti. Feeling ko nababaliw na ako! Kainis din yung kuya ni Carrie e! Pinakilig ako! Hindi ako maka move on sa sinabi niya! Argh! Kainis! Lumabas ako ng pinto pero nakangiti pa rin hindi ko talaga maiwasan ang ngumiti! Kainis! Nang makalabas ay nakita ko si Carrie na nakatingin ng deretso sa akin at nakangisi pa! Akala ko ba She's still sleepy? Siraulo! Nakita niya tuloy akong nakangiti!

"Hoy! Tigilan mo ako dyan! Maligo ka na do'n!" Sigaw ko sa kaniya sa inis ko. Still sleepy daw pero nandito sa harap ko at naka ngisi.

"Masaya ka sa sinabi ng Kuya ko ha?" Natatawa niyang ani.

"Sira! Hindi kaya ako naniniwala!" Sabi ko na lang kunyari ay hindi naniniwala pero paniwalang paniwala!

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now