CHAPTER 25

48 2 1
                                    

Maaga akong nagising dahil maaga akong kibatok ni Josh! Tipong antok na antok pa ako pero 5:30 pa lang ay kumatok na siya sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko alam kung Kinakabahan ba siya o sadyang Excited lang!

"Carrie!" Tawag niya ulit. Dahil sa malamang ay kanina pa ako hinihintay.

"Ano?!" Sigaw ko sa kaniya dahil sa inis ko. Nag aayos pa ako ng mukha tapos siya ay halos hindi na mapakali. Hanggang ngayon ay kita pa rin ang maga sa mata ko kahit na kanina ay halos kusutin ko na ang buong mata ko! Pulbos na lang ang inilagay ko sa mukha ko. Dahil sa totoo lang. Hindi ako sanay na mag foundation o kahit na anong make up na nilalagay sa mukha. Feeling ko kasi nasisira ang mukha ko kahit na isang beses lang ako na maglagay noon.

"Bilisan mo!" Dinig kong malakas na sigaw na ni Josh.

"Ang ingay!" Dinig kong sigaw ni Kuya mula sa kabilang kwarto. Natahimik si Josh dahil sa sigaw ni Kuya.

"Wala ka pala e," asar ko nang makalabas.

"Ang tagal mo kasi e.." pabulong niya ng sabi bagamat halata ang inis.

"Babae ako ha? Chill ka lang, 'tol." Natatawa kong ani.

"Kahit na." Iritado niyang ani.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa mall.." ngiti niya habang labas ang ngipin bagamat halata ang pagiging kabado niya. Bumagsak ang balikat ko nang dahil sa sinabi niya.

"Akala ko naman bukas pa natin sisimulan! Ang aga aga! Hindi pa bukas ang mall! Mga mamayang 9 or 10 pa ang bukas no'n! 'wag kang excited!" Bulyaw ko sa kaniya sa inis. Bwisit! Sarado pa kaya ang Mall ng ganitong oras! Ang aga aga mambubulabog lang pala!

"Ha? Gano'n ba?" No idea niyang tanong.

"Oo, torpe! Mamaya pa ang bukas no'n! Bukas ka na lang manligaw! Hindi naman required na ngayon agad!" Sabi ko saka dirediretsong pumasok sa kwarto ko at muling nahiga. Sa totoo lang ay inaantok pa ako. Bumangon lang ako dahil sa tinawag niya ako. Sabi niya maligo na ako at may pupuntahan kami pero yun pala ay mall ang sinasabi niya! Bwisit! Sarado pa kaya iyon!

Nang makahiga sa kama ay hindi agad ako nakatulog. Kanina ay antok na antok ako ngayon naman na maaari na akong mahiga at muling matulog ayaw naman akong dalawin ng antok! Minsan ay hindi mo talaga maintindihan ang sarili ko! Nakakainis! Ilang minuto rin akong natulala bago muling pumasok sa isip ko ang iniwang salita ni Kuya.. 'Mag ingat ka na lang palagi,'

Hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon. I mean parang wala agad siyang tiwala kay Jeremy. Hindi pa naman sila nagkikita. Nakakapagtaka rin kung bakit niya ito kilala. Si Jeremy ay dito nakatira habang kami ay sa Manila. Paanong makikilala ni Kuya si Jeremy gayong halos limang oras ang biyahe papunta rito. Imposible ba iyon? I mean maaari ba silang magkita sa ganoon kalayong agwat? O baka naman nagkita na sila dito sa probinsya at hindi nagustuhan ni Kuya ang ugali niya? Pero.. Hindi naman hilig ni Kuya ang tanong ng tanong sa tao. Ang mga Tao lang na kinukulit niya ay kami nina mommy at Daddy pati ang mga kaibigan niya. Even Ate Lizeth. Kinukulit niya daw noon si Ate Lizeth dahil napaka ganda. Maputi at para daw hindi niya ito kayang kalimutan. Si Ate Lizeth naman daw ay inis na inis sa kaniya dahil sa pagiging makulit niya. Naikwento niya iyon noong nasa Manila kami. halatang gustong gusto niya si Ate Lizeth dahil sa palagi niya itong naiku-kwento at palagi niyang ipinagmamalaki sa amin ang mga achivements na natatanggap nito. Kaya nga kapag kinu-kwento niya ito ay natutuwa ako. Halos magkaparehas kasi kami ng gusto ayon sa pagkakakwento ni Kuya. Noong nameet ko siya ay sobrang saya ko. Dahil sa sobrang bait niya at simple. Pareho kami ng gusto at sobrang saya niyang kasama. Hindi siya seryoso palagi na parang si Kuya. Kaya nga para sa akin ay bagay na bagay sila!

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now