CHAPTER 7

98 6 0
                                    

Nakakainis masasapak ko talaga yung lalaking 'yon!

"Sinong lalaki yung sinasabi mo?" nag aalala kong tanong.

"Yung lalaking katabi mo kanina. Dinala ako sa likod tapos bigla na lang akong sinapak! Nakakainis!" nabubwisit niyang ani. Alam ko masungit siya.. minsan. Pero hindi siya ganto magsungit. Mainis ay ganito oo..

"Bakit? Bakit daw? Bakit niya ginawa 'yon? Anong kailangan niya?" nagpapanic kong ani.

"Gusto niyang makipag hiwalay ako sayo. Gusto niyang layuan kita. " sagot niya. Ang weird bakit niya ginawa 'yon?

"Anong makipag hiwalay? Di 'ba hindi naman tayo? Hindi ko siya magets!" naguguluhan kong ani.

"Malamang! Sabihin mo ba namang boy friend siya at sabihin ba naman nito na girl friend ka niya! Siraulo ba kayong dalawa?" natatawang singit ni Eligia.

"Bakit naman siya magagalit?!Anong connect?!" sigaw ko.

"di 'ba ikaw na rin ang nagsabi! May gusto siya sayo! Ang slow ha?" natatawa pa niyang ani.

"may gusto siya sayo?" nagtatakang ani Josh.

"Wala! Pinagtripan ko lang 'yon kahapon!" depensa ko.

"Okay." sagot niya.

"Eligia! Pumunta kayo ni Josh sa Clinic kung may Clinic man kayo dito! Ipagamot mo yang pasa mo sa mukha! Aalis lang ako!" sigaw ko sa kanila.

"San ka naman pupunta?" sabay nilang ani.

"Mag eexercise lang." ngiti ko.

"Walang gym dito, Carrie." sagot ni Eligia.

"May sinabi ba akong sa gym? At sa gym lang ba pwedeng mag exercise?" tanong ko.

"Sabi ko nga shut up na 'ko." sagot niya.

Bumaling ako kay Josh saka ngumiti. Agad akong nag lakad palabas ng food court. Yari sa 'kin yung pangit na 'yon!

JEREMY's POV

Nang matapos ang klase ay agad akong pumunta sa classroom ni Aldrin siya kasi ang palagi kong kasabwat. Kapag kasi si Johhan ang sinasama ko ay palagi akong sinusumbong kila Papa at Mommy. Kaya si Aldrin na lang ang sinasama ko kapag may pinaplano ako. Nang makarating sa Classroom nila ay agad kong tinawag si Aldrin.

"Hoy! Aldrin! Tara dito may plano ako!" sigaw ko sa kaniya.

"Ano nanaman?! Kagaguhan ba?" Masaya niya pang sabi.

"Malamang! Kailan ba ako nakaisip ng mabuti? At alam ko naman na hindi ka sasama kung makakaganda ang gagawin ko." pabalang kong sabi.

"Sabagay tama ka naman dyan, Jeremy!"

"Siraulo!"

Nang masabi ko na sa kaniya ang gagawin ay agad kaming nagpunta sa pintuan ng Canteen. Ilang sandali lang ay agad kong nakita yung lalaking Boy friend daw ni Carrie. Akma siyang papasok ngunit bago siya makapasok ay hinarangan ko na siya.

Pinagkunutan niya ako ng noo. "May paguusapan tayo, Pare." simple kong sabi. Kumunot ang noo niya. "Sumunod ka na lang." sambit ko kaya agad siyang sumunod sa 'kin.

Nang makarating kami sa likurang bahagi ng school ay agad ko siyang sinapak ng napaka lakas pag bagsak niya ay agad na hinawakan ni Aldrin ang mga kamay at braso niya.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now