CHAPTER 11

78 4 0
                                    

CARRIE's POV

Isang sigaw ang nagpagising sa akin. Sigaw ni Kuya... Nakakainis! Inaantok pa ako! Bwisit!

"CARRIE ANN CLIMENTE ONGSEEEEEEEE!!!! sigaw pa nito!

"Ano ba!?! Bryan Carlo Climente Ongsee!!!!" sigaw 'ko rin saka tinatamad na binuksan ang pinto.

Pagkabukas pa lang ng pinto ay yakap na agad ni kuya ang aking nakuha naka uniform pa rin siya.

"Anong meron?" tinatamad 'ko pa ring tanong. Nasa tapat kasi silang lahat ng kwarto 'ko sina mama, tatay, Kuya Carlo at Josh. Hindi 'ko alam kung anong nangyayari.

"Akala 'ko kung ano nang nangyari sayo!" sigaw ni kuya saka ako niyakap ng napaka higpit! Feeling 'ko mamamatay na ako dahil halos hindi ako makahinga!

"Ha? Bakit? Nasa kwarto lang naman ako ah? Wala namang mangyayari sa 'kin kapag nasa kwarto! Kuya naman! Inaantok pa ko!" sigaw 'ko sa kaniya na dahilan kung bakit niya kumalas sa pagkakayakap sa akin saka sinamaan ng tingin si Josh. Ano ba kasing meron?

"Sabi kasi netong siraulong 'to e!" sigaw ni kuya saka binatukan si Josh.

"Ha?" nagtataka 'ko paring tanong.

"Sabi kasi neto!" turo niya kay Josh. "Sumigaw ka daw kanina! Kaya nag alala sila ni mama e kadarating 'ko lang pati si tatay kadarating lang!" sigaw niya na ikinatawa 'ko.

"Sumigaw ako pero---! HAHAHAHA! Basta!" natatawa 'kong ani.

"Para kang tanga dyan, Carrie Ann!" sigaw nito.

"Tara na nga! HAHAHAHAHA! Gusto 'ko ng mainit na Champorado!" Pangaasar 'ko.

"Sige na, ma.. Mauna na kayo sa baba, susunod na lang ako." Sabi ni kuya sa matamlay na tinig.

"SORRY!" sambit 'ko habang nakanguso sa kaniya.

Tiningnan niya lang ako saka siya tumango tango. Ang cold ha? Natatawa 'ko siyang nilapitan at niyakap.

"Sorry na po, Kuya! I love you!" sabi 'ko saka mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya dahilan para yakapin niya ako pabalik.

"Sa susunod 'wag kang mag lo-lock ng kwarto mo kapag masama ang pakiramdam mo! Tapos sisigaw ka pa! Akala tuloy nila kung ano nang nangyari sa'yo!" sigaw niya sa 'kin.

"OPO!" natatawa 'kong sagot.

"Bumaba na kayo, Carrie. Magbibihis lang ako. Bababa rin ako." utos niya.

Ngumiti lang ako saka siya tinanguan. Pag baling 'ko
sa aking likuran ay wala ng tao. Bumaba na siguro sila mama.

Binalingan 'ko ulit ng tingin si kuya na hindi pa rin pala umaalis sa pwesto niya kanina pa nginitian 'ko siya. Matapos 'yon ay naglakad na ako pababa sa hagdan. Naabutan ko sila Mama at Josh na nag lalagay ng Champorado sa Mangkok. Naupo na lang ako sa harap ng dinning table.

Yes I smiled while facing them.. but inside my heart starting to broke slowly.. because of what I found out.. I didn’t expect to come to the point where I would know I was just being fooled by Jeremy..

CARLO's POV

Pinanood kong bumaba si Carrie sa hagdan. Nang makitang nakababa na siya ay pumasok na ako sa kwarto namin ni Josh. Naupo ako sa kama.

Kung may cellphone lang ako ay tinawagan 'ko na si Andrei para malaman kung ano nang lagay ni Lizeth. I really miss that girl! Kung hindi lang kami hinadlangan ng mommy niya at ng Ken na 'yon ay baka wala ako dito! Hindi naman ako iinom ng mga alak na 'yon at hindi ako mag kakapunishment kay Mommy kung hindi nangyari 'yon e! Bwisit!

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now