CHAPTER 4

132 8 0
                                    

CARRIE's POV

Tiningnan ko lang si pangit.

"Anong tinitingintingin mo?!" tanong niya. Parang tanga.

"Malamang sinigawan mo ako," mahinahon kong sagot sabay irap.

"nakaupo ka kasi sa upuan namin!" sigaw pa nito

"Namin?" kunot noo kong tanong saka sinuyod ng tingin ang kaniyang likuran. Wala namang kasama. "Nasan yung kasama mo kung ganon?" tanong ko saka siya tinaasan ng kilay.

"Pre!" sigaw ng isang lalaki mula sa likod niya. Hindi ko alam kung saan nanggaling. Napahinto siya ng makita ako. "Teka? Di 'ba siya yung maganda kanina? Yung sinasabi ko sayo?" tanong niya.

Nakita na niya ako?

"Pare mukhang dumidiskarte ka na ha? Sabagay may girlfriend naman na ako sayo na lang loyal ako e." Bulong pa nito rinig ko naman.

"Carrie!" sigaw ni Eligia mula sa canteen. Napahinto siya nang mapansing nandoon si pangit at yung kaibigan niyang gwapo.

Kunot noo niyang tiningnan ang dalawa saka bumaling sa 'kin.

"Anong meron?" tanong niya.

"Miss na 'ata ako ng pangit na yan e," natatawa kong tanong.

"Siraulo ka talaga. Kaya nagagalit sayo yung ibang tao dito e!" natatawa niyang biro.

"Hayaan mo sila parang mga tanga lang naman yung mga yun e," natatawa ko ring bulong.

"Alam kong Gwapo ako pero please naman 'wag niyo akong pag bulungan," nakangising ani pangit. Makapal talaga ang mukha niya.

"Excuse me, Mr. Pangit. Alam mo bang napaka kapal ng mukha mo?" nakakaloko kong tanong.

"Hindi. Ang alam ko lang ay gwapo ako." taas kilay niyang tugon.

"Ganito ba talaga kakapal ang mukha ng lalaking 'to?" bulong ko kay Eligia.

" 'wag kang ano diyan, girl! May ikakapal pa 'yan!" natatawa niyang bulong.

"Tara na lang kaya sa classroom? Naiinis ako sa kakapalan ng mukha ng isang 'to e," naiirita ko pang bulong.

"Sige, samahan mo muna ako sa bilihan ng tubig," ngiti niya.

Naglakad na kami. Sinadya kong daanan yung direksyon ni pangit. Tiningala ko siya saka inirapan pagtapos ay sinadya kong bungguin ang braso niya gamit ang braso ko. "Sorry, pangit." nakangisi kong paumanhin.

"Ang kapal naman ng mukha niya para bungguin si Jeremy!"

"Maganda sana kaso masyadong papansin kay Jeremy!"

"Napagalitan yan sa subject namin kanina e. Mayabang kasi." rinig kong ani ng isang babae. Sigurado akong kaklase ko lang 'yon. Alam niya yung nangyari e.

"Buti nga sa kaniya!" sagot sa kaniya nung isa pa.

Tumingin ako sa gawi nila saka ko sila matalim na inirapan. "Don't even talk about me behind my back. You may not like my behavior." madiin kong sabi saka sila nilagpasan.

"Mukhang mayabang siya ha?"

"Feeling ko napaka sungit niyan."

"Paano naman sila naging mag kaibigan ni Shoaf kung masungit siya?"

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now