CHAPTER 24

51 3 0
                                    

IT'S ONLY CARRIE'S POINT OF VIEW UNTIL THE LAST CHAPTER ENDS! I LOVE Y'ALL! ENJOY READING EVERYONE!

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

"Bitter." Madiin kong ani nang makasakay sa kotse ni Josh.

"Fragile." Madiin din niyang ani.

"Weak." Ganti ko.

"What do you mean by weak?" Seryoso niyang ani habang sa daan nakatingin. Silang dalawa ni tatay ang nasa harap.

"Sorry wrong word, Torpe." Ani ko na ikinatawa nina Mama at Tatay.

"Nako! Ikaw talaga, Carrie Ann! Puro ka kalokohan!" Natatawang ani mama.

"Magsi-simula na akong manligaw bukas, Carrie Ann Climente Ongsee." Seryoso niyang ani habang nakatingin pa rin sa daan.

"Oh? Pumayag?" Asar ko.

"Shut up." Madiin niyang ani.

"Kaya pala.. shina-shut up mo ako kanina! Kasi liligawan mo na.! Naks naman! Hindi na torpe ang tropa kong 'to!!" Pang aasar ko pa.

"Carrie Ann!" Sigaw nito na halata na ang inis sa boses.

"Galit na galit?" Asar ko pa.

"Nako, Carrie Ann. Huwag mo nang inisin baka mas lalong mapikon." Tawa ni Mama. Hindi na nakasagot si Josh.

Bago makarating sa bahay ay may nakita kaming kotse sa tapat nito. Ang pagkakatanda ko iyon yung nakita ko noong nakaraan ilang linggo ko na itong nakikita pero hindi ko na lang pinapansin. Medyo dumidilim na dahil sa mag si-6pm na rin. Nang makita kami ng kotse ay nagmamadali itong umalis. Hindi ko alam kung bakit parating nandito iyon. Sa tuwing pupunta ako sa puno ay nakikita ko ang kotse na iyon dito. Iba't ibang oras nga lang. Hindi ko alam kung anong gagawin niya o anong pakay niya dito. Ayokong ipaalam kina Mama at Tatay dahil sa baka matakot sila at nerbyosin at ma stress pa kung sasabihin ko. Baka hindi pa sila makatulog. Kasalanan ko pa. Nang makapasok sa bahay ay agad akong dumeretso sa banyo para maligo. Nang matapos ay ginawa ko ang assignments ko para naman wala na akong gawin mamaya at deretso na ang tulog ko. Wala nang aalalahanin. Pero bago ko pa matapos ang huling subject ay may kumatok sa pintuan.

"CARRIE!" Sigaw ni Kuya mula sa pinto habang malakas na kumakatok.

"What?!" Sigaw ko pabalik saka binuksan ang pinto.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Seryoso niyang ani.

"Ha?" Wala akong idea sa sinasabi niya.

"Josh told me." Madiin niyang ani.

"Told you what?" Kunot noo kong tanong.

"What do you think Josh can tell me?" Seryoso niya pa ring ani.

"That I have a boyfriend?" Tanong ko.

"Oo." Madiin niyang ani.

"Ano naman? What's wrong with you?" Tanong ko. buryong buryo sa sinasabi niya.

"You know that I don't want you to have a boyfriend." Seryosong seryoso niyang ani.

"Kuya, matanda na'ko! I can do now what ever I wanted to do!" Iritado kong sigaw.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now