CHAPTER 5

117 6 0
                                    

CARRIE's POV

"C-carrie? Anong ginagawa mo rito! Bakit ka nakikinig sa usapan ng mga matatanda?" halatang kinakabahan si Mama habang sinasabi iyon.

"Sagutin niyo na lang po yung tanong ko," tinatamad kong ani.

"W-wala k-kang dapat malaman, C-carrie." nauutal utal na ani kuya.

"Meron! Ang kaso ayaw niyo lang na malaman ko!" sigaw ko sa kanila.

"Hindi ka na ba marunong rumespeto, Carrie!" sigaw pabalik sa akin ni kuya. "Isang araw ka pa lang na nag aaral sa school na 'yon ay ganiyan na ang ugali mo!" sigaw niya pa.

"Ikaw nga hindi marunong tumupad sa usapan at pangako e! Ako?! Hindi marunong rumespeto? Kuya naman! Ako nga na kapatid mo hindi mo nirerespeto e! Simpleng pag sasabi lang tungkol sayo, Kuya! Hindi mo magawa?! Tapos ako lahat ng bagay na mangyari sa buong buhay ko alam mo!" sigaw ko pa sa kaniya.

"Carrie, hindi mo naman na kasi dapat pa malaman yun e!"

"Para ano, kuya?! Para maging tanga ako sa tingin ng iba?! Yung taong parang mangmang walang alam?! Alam mo yung masakit sa part ko? Yun yung sarili kong kuya pinagtataguan ako ng sikreto niya!" sigaw ko habang nanggigilid na ang aking mga luha.

"Carrie, Hindi lahat ng tungkol sa 'kin ay dapat alam mo! Kapatid lang kita!" sigaw niya na dahilan kung bakit mas lalong bumuhos ang aking luha.

"Sabagay. KA. PA. TID. MO. LANG. NA. MAN. A. KO. Di 'ba? Samantalang si ate Lizeth na GIRL. FRI. END. mo lang na alam ang lahat sayo! Samantalang ako na KA. PA. TID. MO! iisa lang 'ata ang alam sayo! 1 taon lang yung naging relasyon niyo kuya! Alam ko almost 3 years mo na siyang mahal! Pero kuya ako? Ako na almost 16 years mo nang kasama! Pangalan lang 'ata ang alam tungkol sayo! Oo alam ko si Mama almost 18 years mo nang kasama! Naiintindihan ko! Pero nung mga bata pa tayo kuya! Nangako ka na lahat ng secrets mo sasabihin mo sa 'kin!  Even me nangako ako na lahat ng secrets ko sasabihin ko sayo! At yung promise na yon tinupad ko! Tinutupad ko! Kasi akala ko ganon din yung ga----!!" hindi pa man ako tapos ay sumabat na si kuya.

"Carrie, pinoprotektahan lang kita! Yung pag sisikreto sayo yung tanging paraan para maprotektahan ka! I know you, Carrie! Alam kong magagalit ka! Carrie, like what I said you are my Princess and I will be your Protector. Carrie, alam kong masasaktan ka! Sana maintindihan mo ako!"

"Sana nga pinoprotektahan mo lang ako, kuya! Sana rin maintindihan kita dahil sa oras na malaman ko ang totoo hindi ko alam ang gagawin ko sayo!" sigaw ko saka tumalikod sa kanila rinig ko ang tawag nila sa akin ngunit hindi ko 'yon pinansin. Pumunta ako sa puno kung saan masarap mag pahinga. Sa dati.

I don't understand him! Dati pa man ay alam kong pinoprotektahan niya na ako pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ayaw nilang sabihin sa akin ang bagay na 'yon. Bakit ayaw nilang sabihin ang tungkol sa pangit na 'yon? Ano bang meron sa kaniya. Nang makarating ay wala ako sa sariling yumuko at hinayaang tumulo ang aking mga luha.

JEREMY's POV

Nandito ako ngayon sa bukid. Gustong gusto kong pumunta rito palagi maaliwalas kasi ang paligid at berdeng berde ang mga puno 't halaman. Nakaka relax. Ang isang puno pa nga rito ay pinalagyan ko ng mga kahoy na upuan para maging aking tambayan. Nang makarating sa dati ay laking gulat ko ng makita ko yung babae yung sinagot sagot ako sa school.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now