CHAPTER 23

42 2 0
                                    

JEREMY's POV

Nandito ako sa labas ng gate nila Eligia. Alam ko kasing nandito si Carrie. Nakita ko si Josh dito kaya alam kong nandito din siya. Halos limang minuto lang akong naghintay at nakita ko na nga siyang lumabas walang kasama nasa mukha niya pa rin ang dati.. iyong walang reaksyon.. naka uniform parin siya. Nagmamadali akong bumaba ng kotse ko para maabutan siya. Para makausap siya..

"Carrie!" Pagtawag ko rito. Lumingon siya ng lumingon sa paligid pero mukhang hindi ako nakita. "Carrie.." muling pagtawag ko rito nang makalapit. Hinawakan ko ang kamay niya ngunit agad niya itong iwinasiwas na parang dumi lang na nasa kaniyang kamay. Walang emosyon siyang tumingin sa akin. "C-can we talk..?" Nahihiya kong ani.

"For what? And about what?" Wala pa rin niyang emosyon na sambit.

"About.." hindi ko masabi ang dapat kong sabihin.

"About you? About your nonesense feelings?" Madiin niyang ani bagamat walang mababasang emosyon sa mukha.

"Sorry.." naiusal ko. "Please, give me a chance to prove myself to you.." pagmamakaawa ko.

"Para saan pa? Sinira mo na ang tiwala ko hindi ba? Ang kapal naman ng mukha mong humarap sa akin." Walang emosyon niya pa ring ani.

"Sorry, I didn't mean it.. promise, sigurado na ak----" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko dahil agad din siyang nagsalita.

"At babalik ka dito para lang sabihin sa akin na sigurado ka na? Paano kung sabihin ko sa'yong wala na yung nararamdaman ko? Anong magagawa mo?" Seryoso ang boses niya bagamat ang mata ay nananatili pa ring walang emosyon.

"Carrie.." napalunok ako ng dahil sa sinabi niya. "Sorry.." napapalunok ko paring ani. "Promise, I will never do that again.. but.. please, let me prove myself first, just give me another chance, please.." nagmamaka awa kong ani.

"Chance na saktan ulit ako?" Ani niya habang deretsong nakatingin sa dalawa kong mga mata.

"No.. Hindi.." pag tanggi ko.

"Deserve ko bang masaktan? Deserve ko ba 'to? Deserve ko ba yung ganitong sakit? Siguro kung deserve ko mas deserve mo. Dahil ako ay isa lang ang nasaktan. Habang ikaw? Marami na. Kabilang na ako don." Napaka diin niyang ani.

"Yes, you don't deserve it.." sambit ko habang nanggigilid na ang luha sa mata. "And I deserve it.. and.. you don't deserve a boy like me.." nakagat ko ang pang ibaba kong labi nang masabi iyon. "Yes, you deserve someone who's better.. but, Carrie.. I can be better for you.. I'll chance.. for you.." pahina ng pahina kong ani.

"See? Sa'yo na rin nanggaling. I don't deserve a 'boy' like 'you.' I deserve someone better. And you can't be better." Matigas niyang ani habang seryoso na ang mga matang nakatingin sa akin.

"I can be better, Carrie.. for you.."

"You Can't." Madiin niyang ani.

"Carrie, alam kong ako pa rin.." naiusal ko.

"Kaya inaabuso mo? Dahil alam mong ikaw pa din?" Napalunok ako sa sinabi niya dahil sa sobrang seryoso ng pagkakasabi niya non.

"Hindi sa gano'n.." paglilinaw ko.

"Ganiyan ba talaga ka babaw ang nararamdaman mo? Parang ang dali lang kasi para sa'yo na saktan ako."

"Hindi madali, Carrie.. mahirap.. sa tuwing nakikita kong tumutulo ang luha mo.. nasasaktan ako.. hindi ko kaya.. pero kasi kung hindi ko gagawin yung ginawa ko noon.. mas masasaktan kita.. tama ang kuya ko.. dapat ay sigurado muna ako.. bago ako magpatuloy sa panliligaw sa'yo.. baka mas masaktan kita sa dulo.. kung hindi ko ginawa 'yon.. baka mas nasaktan kita.." pag papaliwanag ko.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now