CHAPTER 15

96 4 0
                                    

CARRIE's POV

Halos hindi ako makatulog kagabi. Nagpapaulit ulit kasi sa aking tenga ang bawat salita na binitawan ni Jeremy kagabi. 'yung bawat lyrics ng kanta. Lalo na 'yung lyrics na 'I see my future in your eyes' Hindi 'ko makalimutan! 'cause I also see my future in his eyes. I really like Jeremy even though pinagtripan lang nila ako noong una. Kasi dati nung bata pa ako na kung sino 'yung unang lalaki na magugustuhan 'ko ng sobra. Gusto 'kong siya na talaga hanggang dulo. Kaso 'yung unang lalaki na nagustuhan 'ko ng sobra ay pinagtripan lang ako.

6:30am na hindi 'ko alam pero masyado yatang napaaga ang gising 'ko o sadyang hindi lang siguro ako nakatulog. Dinig 'kong may nagluluto na sa kusina may nagpipirito ng something. Bumangon na ako naligo na rin saka nag bihis ng uniform. Para hindi na ulit ako umakyat kung sakali. Dinala ko na rin ang bag ko baka kasi mamaya ay tamarin na akong umakyat pa. Nang maihanda ang lahat ay nag pulbo lang ako saka nag lip balm.

Nang makalabas ng kwarto ay nakita 'ko si kuya na nagsusuot ng sapatos sa tapat mismo ng pintuan ng kanilang kwarto.

"Ang aga mo naman 'ata ngayon, Carrie." Agad na bungad ni kuya nang mapansin na nakatingin ako sa kaniya.

"Hindi ako makatulog e," simple 'kong sabi.

"Dahil kay Jeremy?" Tanong niya.

"H-hindi ah!" Giit 'ko.

"Sus," singit ni Josh na hindi pa bihis. Maaga pa naman kasi.

"Aga mo rin ah!" Salubong 'ko rito.

"Palagi naman akong maaga," masungit niyang ani.

"Sungit!" Pang aasar 'ko.

"Fragile," masungit niya pa ring sabi.

"I'm not!" Depensa 'ko.

"Yes you are," natatawa niya pang sabi.

"Aga aga nagaasaran kayo," sabi ni kuya. "Baka mamaya kayo pa magkatuluyan niyan," natatawa niyang sabi dahilan para matigilan kami ni Josh.

Hindi niya ba alam yung sa aming dalawa ni Josh? What the hell! Awkward!

"Oh 'di ba natahimik kayo! Tara na sa baba kakain na tayo!" Nakakaasar niyang sabi saka natatawang bumaba. Inirapan 'ko na lang siya.

Nauna akong bumaba kay Josh. "Oh, Carrie Ann, kay aga mo naman 'atang nagising?" Bungad na tanong ni mama sa akin habang nag hahain siya ng pagkain sa dinning table.

"Hindi daw po siya makatulog, ma" sagot ni kuya sa nangaasar na tinig. Tiningnan 'ko siya ng masama.

"Hindi ka na ba komportable sa iyong kwarto, Carrie ann?" Nag aalalang tanong ni mama. Naupo na kaming lahat sa upuan.

"H-hindi naman po sa ganon.." Napapayuko 'kong ani.

"Dahil daw po kay Jeremy," nang aasar pa rin ang tinig ni kuya. Dinig 'kong may nalaglag na kutsara. Napatingin kaming lahat sa gawi ni Josh.

"Anong nangyari sa'yo, Josh hijo," nag aalalang tanong ni mama kay Josh.

"A-ah w-wala po," sagot niya bagamat may pagkaka utal.

"Nabanggit 'ko lang si Jeremy e! HAHAHAHA!" Natatawang ani kuya.

LOVE CAN HURT On viuen les histories. Descobreix ara