CHAPTER 9

91 6 0
                                    

CARRIE's POV

Pagkababa ko sa kotse ni Josh ay agad akong pumasok sa kwarto saka nagbihis. Nakatulog ako ng saglit. Nang magising ay tiningnan ko muna ang labas ng kwarto ko baka kasi nandyan si Josh at sundan pa ako. Nang makitang walang tao sa taas ay dahan dahan akong bumaba. Habang naglalakad sa hagdan ay sinisilip ko kung sino ang tao sa baba. Nahagip agad ng mata ko si mama. Hindi naman niya ako susundan kung sakaling umalis ako.

Nang makababa ay agad akong nag punta sa pintuan. Binuksan ko iyon saka lumabas. Hindi ko alam kung bakit sabik na sabik akong lumabas. Gusto kong pumunta sa puno ng mangga. Ilang metro lang naman ang layo nito sa bahay. Nang makapunta sa harap non ay natagpuan ko ang aking sarili na mayroong hinahanap. Hindi ko man aminin ay alam ko kung sino ang hinahanap ng mga mata ko. Si Jeremy..

"Nakakainis kang pangit ka! Hindi ka mawala sa isip ko!" pabulong kong sigaw dahil sa takot na may makarinig sa akin.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang ginawa niyang pag amin. Totoo kaya 'yon? Mayroon sa akin na pakiramdam ko ay masasaktan kapag iyon ay hindi totoo. May parte sa akin na nagsasabing sana ay totoo iyon.

"Sana ay totoo na lang.. Dahil kung panaginip 'man iyon isa itong napaka sakit na panaginip." Bulong ko.

Inaamin ko hindi ko pa ito naramdaman noon. Kapag nagkaka crush ako ay hindi ganito. Kapag nagkakacrush ako ay ilang oras lang wala na agad. Sana nga at ganoon lang.

"Sana hindi na lumalim ang nararamdaman ko. Sana hindi na matuloy.." sambit ko.

"Sana ay matuloy.. Sana ay magustuhan mo rin ako.." sabi ng isang.. Jeremy..

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko at napapatayong napatingin sa kaniya.

"Dahil alam kong nandito ka," ngiti niya. "Sorry kung nasaktan ko ang kaibigan mo. Hindi ko akalain na magagawa ko 'yon Actually. Siguro dahil na rin sa pagiging hibang na magustuhan mo pabalik," malungkot niyang ani.

"Nagka gusto rin ako pero hindi ako nanakit. Maaari kang mag kagusto ng walang nasasaktan," sagot ko.

"Pero lalaki ako at babae ka, Carrie. May kayang gawin ang isang lalaki na hindi kayang gawin ng babae," sagot niya.

"at may kayang gawin ang babae na hindi kayang gawin ng lalaki," pag papatuloy ko.

"Alam ko.. Sa iilang araw nating magkakilala ay nahulog ako sayo," ngiti niya. "Hindi ko akalain na magkakagusto ako ng ganto," pagpapatuloy niya. "Hindi ko akalain na kasing taray mong babae ang magpapabago ng pananaw ko,"

"Hindi ko akalain na magkakagusto ako sa tulad mong pangit," pang aasar ko.

"Kahit ilang beses mo akong sabihan ng pangit ay ayos lang," ngiti niya pa.

"Dahil pangit ka naman talaga!" pang aasar ko pa lalo.

"Ayos lang na tawagin mo akong pangit. Basta alam ko na gusto rin ako ng babaeng gusto ko," nakangisi niyang ani.

"Kahit porket gusto kita! Hindi ibig sabihin non ay tayo na!" Sigaw ko sa kaniya.

"E 'di liligawan kita, hanggang sa dulo ng buhay ko.." nakangiti niyang sabi.

"Yun ay kung matitiis mo ang ugali ko!" natatawa kong sabi.

"kaya kong tiisin ang lahat, para sayo," masaya niyang ani.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now