CHAPTER 30

51 2 0
                                    

Dalawang buwan na ang lumipas at ganoon pa rin kami. Palaging nag away dahil sobrang childish ng lalaking to. Minsan naiisip ko.. ganito din kaya siya sa past relationships niya? Ganito ka clingy? Childish? Kung iisipin ko na sa'kin lang ay sobrang napapangiti ako. Bakit? Kasi syempre ang isang babaero na tulad nito ay minsan lang mag seryoso. Ganito pala yung feeling na inlove ka? Yes, I'm inlove with that boy. I'm inlove with Mc Jeremy Reyes at hindi ko itatanggi iyon. Ang sarap pala sa feeling ng inlove ka.. gigising ka sa umaga ng nakangiti. Excited ka sa paggising kasi may gusto kang makita.. may gusto kang makasama..

Hindi ko alam na nakakabaliw pala yung ganitong nararamdaman. Masaya ako dahil alam kong mahal din ako ng mahal ko. Kasi nakikita ko sa iba na may mahal sila pero hindi sila mahal. Alam ko masakit iyon at ayokong maramdaman yon dahil sa palagay ko ay hindi ko kakayanin. Iyon nga lang saktan ka ng mahal mo ay masakit na paano pa kaya kung hindi ka kayang mahalin pabalik? Mukhang mas masakit ang isang iyon..

"Kanina ka pa tulala, anong iniisip mo?" Tanong niya.

"Wala lang," simple kong ani.

"Baka ibang lalaki yan ha?!" Kunyari ay seryoso niyang ani.

"Isa lang naman ang iniisip ko, Jeremy!" Sigaw ko.

"Sino?" Tanong niya habang pinanliliitan ako ng mata.

"Ikaw." Ngiti ko.

"Bakit ka ba ganyan?" Seryoso niyang ani.

"Ano ako?" Tanong ko.

"Maganda ka at mahal kita," panguuto niya.

"Ano nga!" Pangungulit ko.

"Bakit palagi mo akong pinapangiti?" Tanong niya. Nakanguso.

"Pangit mo! Di bagay!" Asar ko.

"Arte mo! Nakita ko nga yung pinagsusulat mo dito!" Sambit niya saka tumayo at may itinuturo. Napa tayo ako bigla. "The word LOVE CAN HURT is real, tama si Kuya, dapat ay hindi na lang ika-!" Pagbabasa niya sa nakasulat.

"Hoy! Napaka ano mo! Bakit mo ba binabasa yan!" Pagpapahinto ko.

"Drama mo sa part na to!" Sabi niya saka tumawa ng tumawa.

"Hoy! Dati pa yan!" Sambit ko sana pinipilit na takpan iyong iba pang nakasulat.

"Kahit takpan mo yan ay nabasa ko na yan lahat, Carrie loves!" Pang aasar niya saka tumawa ng parang wala nang bukas!

"Paano? E ngayon lang ulit tayo pumunta dito?" Pagtataray ko. Tama naman ang sinabi ko. Dahil usually nasa likod kami ng bahay nila mama o kaya sa school.

"Every Sunday nandito ako, tinitingnan ko kung umaalis ka ba pero after 30minutes umaalis na din ako, wala kasi akong kausap e," pagpapaliwanag niya.

"Bakit di mo ako tinatawag?" Tanong ko.

"Well Sunday is family day right? Ayaw naman kitang guluhin no!" Tawa niya.

"Yeah, it's family day. Bakit hindi mo kasama ang family mo?" Tanong ko wala nagtataka lang ako.

"Si Papa at Mommy lang naman ang kasama ko," pagpapaliwanag niya na mas lalong nagpagulo.

"Pwede naman kayong mag Family day ng kayong tatlo lang, without Kuya Jervic," sabi ko.

"Well wala kasi ang favorite," sabi niya lang habang nakatingin sa malayo.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now