CHAPTER 21

47 2 0
                                    

JOSH's POV

"Bitawan mo na nga ako.." mahinang bulong sa akin ni Eligia nang makarating kami sa gate.

"Kanina pa kita buhat ngayon ka lang nag reklamo," kunyari ay pagsusungit ko sa kaniya. Binuhat ko siya kahit hindi ko naman alam ang nangyari.

"Madami kasing tao don kanina kaya hindi ako nag reklamo, ngayon ay kakaunti na lang kaya pwede mo na akong ibaba." Mahina niya pa ring ani.

"Gusto mo talaga na makita ng iba na buhat kita?" Pang aasar ko sakaniya saka siya binaba.

"Baka kasi magkaro'n ako ng ano sa pants kaya.. okay pa kanina. Ngayon naman wala na masyado. Kaya pwede na akong maglakad gamit ang sarili kong paa.." ngiti niya.

"Yun lang pala akala ko naman napano kana," sambit ko.

"Babae kaya ako.. nakakahiya naman kung mag kakaron ako no'n at dito pa.." nahihiya niyang sabi. "By the way.. thank you," ngiti niya sa akin yung ngiti na tila walang iniindang sakit sa katawan niya.

"'wag ka na muna pumasok bukas na lang," seryoso kong sabi.

"Hindi ano ka ba, ano.. uhm.. babalik ako, magpapalit lang.." sambit niya saka ako tinalikuran. Ngunit hinabol ko siya dahil sa may nakita akong mantsa sa pants niya. Nang makalapit ay agad ko siyang niyakap. "Anong ginagawa mo?" Tanong niya sa akin na halatang inis.

"May mantsa ka sa pants mo," mahina kong bulong dito.

"Ha? Shit naman.. sorry.." nahihiya niyang ani.

"Okay lang, may jacket ako sa kotse kuhain natin.." sabi ko saka siya muling binuhat at ibinaba sa tapat ng kotse ko. "'wag ka munang haharap, dyan ka lang kuhain ko lang yung Jacket," paalala ko saka dali daling kinuha ang jacket mula sa aking kotse. Nang makuha ay ibinigay ko agad iyon sa kaniya. Agad naman niya iyong kinuha saka itinali sa bewang niya.

"Thank you.. ulit," ngiti niya. "Mauuna na'ko.." nahihiya niyang ani saka ako tinalikuran.

"Ihahatid na kita, saka hindi ka papayagan na lumabas dyan, kailangan mo'ko para makalabas.." ngiti ko rin sa kaniya.

"Mag papalit lang naman ako saka babalik, don't worry.." sambit niya saka humarap at ngumiti sa akin.

"Sige na, um-absent kana, ako bahalang mag paalam sa mga teachers natin.." ngiti ko.

"Pero yung bag ko nasa classroom.." nahihiya niyang ani.

"Ihahatid ko sa inyo mamaya, bago kami umuwi." Mas nilakihan ko pa ang ngiti sa aking mga labi.

"Baka hindi ko mahabol yung mga activity e.." sambit niya saka napayuko.

"Akong bahala gumawa para sa'yo, kung may ma-miss ka man na topic ako ang mag tuturo sa'yo, don't worry." Ngiti ko.

"Talaga?" Hindi makapaniwala niyang ani. Tumango tango naman ako. "Salamat ng madami.." ngiti niya saka ako niyakap. Sa sobrang gulat ay hindi agad ako nakayakap pabalik. Pero habang nag si-sink in ay napahawak ako sa ulo niya saka ginulo ang buhok niya.

"Your always welcome.." ngiti ko. Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin.

"Mauuna na'ko.." nahihiya niyang pag papaalam.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now