CHAPTER 18

53 2 0
                                    

ELIGIA's POV

Matapos naming mag usap ng Mama ni Carrie ay sumunod na ako kay Carrie na umakyat sa taas ng bahay nila na kung saan daw ay naroon ang kwarto na tutulugan ko pero kwarto pala iyon ni Carrie. Naka upo lang ako sa kama niya. Tinitingnan ko lang ang bawat kilos niya. Halatang matamlay siya at pagod. Nagsusungit pa nga kanina. Kaya hindi ko na siya kinausap no'n. Nang makapasok kami sa kwarto ay ibinaba niya lang ang bag niya saka siya dumeretso sa cabinet at kumuha ng damit matapos iyon ay tiyak ko na naligo na siya. Bumubuhos kasi ang tubig sa banyo. Matapos niyang maligo ay agad akong sumunod gustong gusto ko na talagang maligo kanina pa. Kinuha ko lang ang damit ko saka ako naligo. Ilang minuto lang ay lumabas na ako dahil malamig talaga malapit na kasing mag pasko. August na e. Nang makatapos maligo ay nadatnan ko si Carrie na natutulog. Mukhang mahimbing ang kaniyang tulog dahil kahit malakas ang tunog ng pinto ng banyo ay hindi pa rin siya nagising! Iba pala talagang matulog 'tong si Carrie!

Dahil mukhang hindi kaya ng powers ko na gisingin ang babaeng 'to lumabas na lang ako ng kwarto niya saka bumaba. Nakita ko ang mama niya na nagluluto para siguro sa hapunan. Hindi ko alam kung nandito na ang kuya niya at hindi ko parin ito nakikita. Panigurado ay gwapo 'yon! Maganda kasi si Carrie e. Madilim na ang paligid kahit 6:30 pa lang nakita ko iyong oras kanina sa wall clock sa kwarto ni Carrie. Nang pumunta ako sa likod bahay ay nakita ko si Josh na nakaupo sa isang putol na punong kahoy. Nilapitan ko siya para kausapin sana sa kung anong bagay. Naupo ako sa kaniyang tabi saka tiningnan ang mukha at buong katawan niya. Ngunit nang maupo ako ay tila hindi niya ako nakita o naramdaman man lang dahil hindi man lang siya tumingin sa gawi ko.

Gwapo siya. Matalino rin naman. Wala namang imperfections sa katawan. Mabait sa iba. Gagawin ang lahat para sa taong mahal niya. Perpekto na sana masungit nga lang. Gwapo rin naman si Jeremy lamang nga lang ng kaunti si Josh. Ewan ko ba kung anong nakita ni Carrie sa Jeremy na 'yon! Basta ang alam ko.. Mas perpekto si Josh. Mas Gwapo. Pero ang tanong.. Anong meron kay Josh na ayaw ni Carrie? Anong meron kay Jeremy na wala kay Josh? Bakit hindi niya kayang mahalin pabalik si Josh na ilang years na rin palang naghihintay sa kaniya? Hindi naman bulag si Carrie para hindi makita ang layo ng agwat ng dalawa sa mukha pa lang. Kahit na nakatagilid sa gawi ko si Josh ay nakikita ko sa kaniyang mata ang naghahalong saya at lungkot. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga iyon. Hindi ko alam kung bakit siya malungkot at hindi ko rin alam kung bakit siya masaya. Ilang minuto rin ang nagtagal pero hindi naaalis ang tingin ko sa kaniya. Ngunit laking gulat ko nang bigla siyang mapatingin sa aking mga mata. Kaya naman nag iba ako ng tingin. Sa ibang direksyon ko ibinaling ang aking mga mata.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya ramdam ko pa rin ang kaniyang mga tingin na sa tingin ko ay hindi manlang naalis sa akin.

"W-wala lang!" Sigaw ko habang pilit na ibinabaling sa ibang direksyon ang tingin.

"Talaga ba?" He asked in a sarcastic voice.

"M-may sasabihin lang sana ako," sabi ko sabay tingin sa kaniya ngunit nang mapagtantong hindi ko pala kayang tumingin ng matagal ay agad din akong nag iwas ng tingin.

"Ano naman 'yon?" Tila seryoso niyang tanong. Napaka bipolar naman ng lalaki na 'to! Kanina ay nang aasar ngayon naman ay tila galit!

"Hmm.. Na.."

"Na?" Tanong niya ginaya ang tono ng aking pananalita.

"Na.. 'w-wag mong susukuan si C-carrie kahit hindi ikaw ang g-gusto niya.." Nauutal utal kong sabi! Nakakahiya naman!

"Sorry.." Sincere niyang ani. Teka? Bakit siya nag sosorry? Dahil hindi niya na ako kayang magustuhan? Kasi si Carrie na talaga ang gusto niya? What?! Pa'no niyang nalaman?

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now