CHAPTER 28

36 2 0
                                    

Nang makarating sa bahay ay agad akong bumaba. Sabi ni Jeremy ay hindi na raw siya bababa at hihintayin niya na lang daw ako. Hindi ko na rin kinulit na bumaba dahil alam kong nagmamadali rin kami. Nagpalit lang ako ng pants at t-shirt sabi ni mama ay mag dress ako pero hindi naman yon formal na lunch kaya hindi ako nagsuot non. Nang makababa ay nagpaalam na ako kina Mama at Tatay. Nakita ko rin si Kuya na galing sa kusina. Halatang kadarating lang. Nang sabihin ko na lalabas kami ni Jeremy ay nawala ang maganda niyang ngiti at agad na nagpaalam kay mama na gagamitin niya daw ang cellphone nito. Ang weird ni Kuya sa part na yon pero hindi ko na lang pinansin. Si Josh naman ay baka naliligo na nauna kasi siyang umalis sa amin. Nilagyan ko lang ng pulbo at lipbalm ang mukha at labi ko para simple lang hindi naman mag mukhang OA ang itsura ko.

Nang matapos mag paalam ay agad akong lumabas dahil alam kong nagmamadali si Jeremy at isa pa ayokong pag intayin ang kuya niya. Nang makalabas ay nakita kong may kausap si Jeremy sa cellphone habang nakaharap kay.. Aldrin? Si Aldrin nga! Ano namang ginagawa niya dito? Did Jeremy invited him? I have no idea.

"Ano ngang ginagawa mo dito?" Tanong ni Jeremy matapos ibaba ang cellphone.

"Uhm.. W-wala naman, ganda kasi ng view dito e, yeah! T-thats the reason why!" Ngiti ni Aldrin na napalitan ng gulat nang makita ako.

"Anong meron?" No idea kong tanong.

"I was just asking him," simpleng sagot ni Jeremy.

"Ano namang tinatanong mo?" Tanong ko pa.

"Kung anong ginagawa niya dito," simple niya pa ring sagot.

"Ahh," sambit ko saka tumango tango. "So ano ngang ginagawa mo dito?" Baling ko kay Aldrin.

"A-ano, like what I've said kanina, I'm just enjoying t-the view!" Tila nagpapanic niyang ani saka nagpalinga linga sa paligid. Sinundan ko ang tingin niya hanggang sa mabaling sa isang kotse na pamilyar sa akin. Ito yung laging nasa tapat ng bahay!

"Sa'yo yon?" I asked pointing to the familiar car.

"Ha? No..!" He smiled.

"Alam kong masyadong mura ang kotse mo, Aldrin. But sana hindi mo tinatanggi!" Jeremy say in sarcastic way.

"Kotse mo?" Sabat ko.

"Yep, Kotse niya," sambit ni Jeremy habang tinataas taas ang kilay.

"Talaga ba?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Mukha bang hindi sa kaniya?" Tanong ni Jeremy na natatawa tawa pa.

"Uhm.. palagi ko kasi yang nakikita dito e, akala ko kung kanino lang.." may pagtataka kong tanong.

"Aldrin?" Patanong na tawag ni Jeremy dito.

"Yes, Bo--? Jeremy!" Ngiti niya.

"Anong ginagawa mo daw dito?" Seryoso niyang tanong.

"Sinagot ko na kanina yan, Jeremy." Sambit niya na tila naiinip.

"Ibig kong sabihin, bakit ka nandito palagi? Palagi ka raw nakikita ni Carrie." Seryoso niya pa ring sagot.

"Maganda e," simple niyang ani.

"Maganda alin?" Agad na tanong ni Jeremy.

"Maganda ang view nga! Kulit neto!" Naiirita niyang ani.

"Sigurado kang yan ang dahilan?" Tanong niya pa.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now