CHAPTER 12

72 4 0
                                    

CARRIE's POV

Isang buwan na ang nakalipas pero gano'n pa rin. Iniiwasan kong makita at makasama si Jeremy pero walang nangyayari. Sabagay classmates kami e! Minsan ay nagkakasama kami sa group project pero masaya naman ako kasi hindi siya pumupunta kapag sa mga bahay ng classmates namin gagawin yung project. Sabi nila dati raw ay palagi namang sumasama si Jeremy. Hindi daw nila alam kung bakit hindi na siya sumasama ngayon. Si Josh at Eligia pa rin ang kasama kong maganda recess at lunch. August na ngayon at dahil public school daw 'to may bigayan ng card thingy sila. Mamayang tanghali daw kukuhain yung report cards namin. Pupunta si mama mamaya para kuhain ang sa'min ni Josh at for the first time mamaya makikilala ko ang mama ni Eligia. Gusto ko siyang maging close siguro ay makulit din siya tulad ni Eligia.

"Class Dismiss!" anunsyo ng last teacher namin. Kuhaan ng card thingy na. Lahat sila at lumabas pwera lang sa aming tatlo. Hindi pumasok si Jeremy... Sabi rin pala ni mama kanina ay 'intayin na lang namin siya sa loob ng Classroom.

"Eligia!" pagtawag ko rito.

"Oh?!" sigaw niya dahil nasa pintuan siya may sinisilip.

"Alam ba ng mama mo na nandito tayo sa classroom? At dito siya pupunta?" tanong ko.

"Hindi!" sigaw niya.

"Ha?! Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Just kidding! 'iniintay ko nga e!"

"Ahh sige!"

Inaantay niya na 'yung mama niya dahil sure na siya na kasama siya sa honor. Nag announce na kasi yung adviser namin kanina nga honor at as usual hindi ako kasali! Papansin 'yon e! I a-announce din daw 'yung mga honors! Hindi na rin ako nag expect. Sa laki ba naman ng galit sa'kin ng teacher na 'yon e! Imposibleng isali niya ako! Araw araw parang may regla! Tapos sa'kin lang laging galit! Tanong ng tanong! Buti na nga lang ay nakakapag advance reading ako. Minsan pa yung tanong niya wala sa libro! Kainis!

"Eligia," pagtawag ko rito. Pumasok na kasi siya at tumigil sa hinahanap.

"Oh?" matamlay niyang ani.

Inirapan ko siya. "Si baliw! Honor ka tapos ganyan ka?! Hindi ka ba masaya?" tanong ko.

"Masaya.." matamlay niya pa ring ani.

"Masaya ka na non!? Lumapit ka nga rito nang masampal kita! Isa lang promise!" Hinatak ko siya saka napagtantong mainit siya! "Naligo ka ba ng kumukulong tubig? Tapos humawa sayo 'yung init?" natatawa 'kong ani.

"Gaga! Nilalagnat ako! Bobo talaga nito!" Sigaw niya parang hindi nilalagnat. Malakas pa rin ang boses.

"Alam ko, tanga! Pinapatawa ka lang dyan e! Pikon!" Sigaw ko rito.

"Pasalamat ka at tinatamad ako at may lagnat! Kung hindi! Nasampal na kita dyan!" sigaw niya pa.

"Kaso may lagnat ka!! HAHAHAHA!" natatawa kong ani.

Inirapan niya lang ako saka nag cross arms. Siraulo talaga.

Ilang sandali lang ay may mga magulang nang pumasok.

JEREMY's POV

It's been 1 month pero parang hindi ko makalimutan si Carrie! Parang nakukunsensya ako sa ginawa ko sa kaniya! Gusto kong bumawi! Parang hindi niya deserve na saktan! Mas deserving ako! I don't know pero.. Nababaliw na ako! Nandito ako sa bahay. Walang tao. Nasa Manila kasi si Mommy si Papa naman ay nasa School kukuhain 'yung card 'kong alam ko namang blanko ang lahat. Minsan lang kasi ako makikooperate sa group. Hindi ako sumasama tuwing gagawin yung project sa bahay ng mga classmate ko. Palagi ko na lang kasing ka group si Carrie hanggang ngayon ay nahihiya ako sa ginawa ko.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now