CHAPTER 32

40 2 0
                                    

Hindi ko alam pero ngayon nawala bigla ang takot ko sa kaniya. Noon ay kapag nararamdaman ko siya sa paligid takot agad ang unang nararamdaman ko. Ngayong nandito na siya mismo sa harapan ko at nakaluhod. Humihingi ng tawad. Tuluyan na nga atang naging marupok ang puso ko..

"Sorry, Carrie.." mahina niyang sambit.

"O-okay lang yon, J-jeremy.." naiusal ko rin.

"Kung aalis ka ay ayos lang, basta sa pagbalik mo, ako pa rin ang laman ng puso mo.." sabi niya habang tumutulo na ang luha. "Hindi ba't babalik pa tayo sa puno? Dahil gusto mong mabasa ang nakasulat doon?" Pagpa-paalala niya. Naalala ko ang huling araw ko sa probinsya.. binasa ko iyon.. "Huwag kang mag alala, asahan mong sa araw ng pagbalik mo, ay nandito pa rin ang mahal nito.." sabi niya habang nakangiti sa akin bagamat patuloy pa rin ang pagtulo ng luha. Pilit ko siyang itinayo mabuti na lang ay nakisama siya.

"Naniniwala ako sa pangako mo, Jeremy.. Sana pag balik ko, ako parin ang laman nito," sabi ko saka itinuro ang dibdib niya.

"Hindi naman magbabago ang laman nito, dahil alam kong sa dulo, pangalan mo parin ang nakatatak dito," ngiti niya.

"Panghahawakan ko ang pangako mo, Jeremy.." naiusal ko kasabay ng pag bagsak ng luha sa mata ko. Kaya naman bigla niya akong niyakap.

"Don't cry, Carrie loves.." pag papatahan niya. "Hindi ko na kayang makita kang ganyan, iyong umiiyak dahil sa akin, kaya, Carrie please.. don't cry.." pag aalo niya.

"Carrie.. it's time for you to rest," singit ni Nathalia sa usapan.

"Carrie, I'm going.. see you on your birthday," he smiled. I was shocked. I don't even remember that my birthday is coming up. 18 na pala ako..

"Pupunta ka?" Umaasa kong tanong.

"Gagawa ako ng paraan," ngiti niya saka kami tinalikuran. Matapos siyang mapanood na lumabas ay umakyat na rin ako. Naiwan ko si Nathalia sa baba.

Ilang minuto lang ang lumipas bago may sumigaw mula sa pintuan na binuksan pala ni Nathalia.

"Marupok Spotted!" Sigaw niya.

"Ano?!" Naaasar kong sigaw.

"Akala ko ba natatakot ka? Tapos ngayon, na'ko!" Sigaw niya sa akin.

"Ikaw ba? Kapag ba kinausap ka ni Lexus at sabihin sa'yo ang mga bagay na iyon ay hindi ka magiging marupok?!" Sigaw ko.

"Shut up! Nandyan lang sa labas si Tita!" Sigaw niya sa akin. "Isa pa ikaw ang usapan at hindi ako!" Sigaw niya pa.

"Girls, don't shout we're talking," sigaw ni Mommy mula sa labas.

"Sorry po," ngiti na lang ni Nathalia.

"Takot din pala," sabi ko sabay irap.

"Hay na'ko, namimiss ko na si Carrie.." bulong ni Nathalia maya maya habang nakaupo na sa kama ko.

"Tanga, nandito ako, baka  hindi ka nainform," sabi ko.

"Well, hindi ikaw, yung Carrie na okay lang kahit iwan ng ka-MU niya ganon, tapos kapag bumabalik, sinasabi na 'as if naman gusto pa kita, yuck!' yung ganon at hindi iyong 'inaasahan kong tutuparin mo ang pangako mo sa akin, Jeremy..' i don't like her." Pang gagaya niya sa akin.

"Hoy! Akala mo naman di ka ganyan kay Lexus dati!" Sumbat ko.

"But I'm not like you na sobrang desperate," sabi niya sabay umirap sa kawalan.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now