CHAPTER 16

77 5 0
                                    

CARRIE's POV

Bakit ganito ang nadarama
Makita lang kita ng isang saglit
Ang araw ko ay buong buo
Sa Gabi ikaw ang panaginip
Dahil sa iyo puso ko'y sumasayaw
Isip 'di mapakali ngiti ay laging nasa labi

Alam 'kong siya 'yon. Akala 'ko nakalimutan niya na. Sana sincere ka na talaga, Jeremy..

Napatingin ako kay Eligia na naka kunot ang noo.

Nakakakaba, nakakaaliw
Nakakakilig, nakakabaliw
Napapakanta, napapaisip
Napapangiti, nakakabaliw
Oh oh pag-ibig, oh oh pag-ibig
Oh oh pag-ibig, oh oh

Hindi 'ko maiwasang mapangiti. Dahil muli 'kong naririnig ang kaniyang napaka gandang tinig. Bagamat dalawang tao ang kumanta no'n ay kuhang kuha niya ang tono.

Oh ano itong aking nadarama
Marinig ang boses mong kay tamis
Ang araw ko ay puno ng musika
Sa gabi ikaw ang nasa isip
Oh dahil sa iyo puso ko'y sumasayaw
Isip 'di mapakali ngiti ay laging nasa labi

Bumaling ako sa entrata ng Foodcourt at do'n 'ko siya nakita. Nakangiti at deretsong naka tingin sa aking mga mata. May dala siyang isang bugkos ng SunFlower. Ang paborito 'kong bulaklak dahil sa iilang lugar ka lamang makakakita ng ganyang bulaklak.

Nakakakaba, nakakaaliw
Nakakakilig, nakakabaliw
Napapakanta, napapaisip
Napapangiti, nakakabaliw

Gusto ko ang kaniyang boses lalo na ang buong siya. Ngunit isang bagay lang ang hindi 'ko gusto. Ang kaniyang ugali noon. Ang ginawa niya sa akin noon. Bagamat tapos na iyon ay alam 'kong hindi ko iyon malilimutan. Agad. Ayaw 'ko namang patawarin siya kahit na ang loob 'ko ay hindi pa siya napapatawad. Gusto 'kong patawarin siya kapag alam 'kong totoo na.

Nakakakaba (Oh, oh), nakakaaliw  (Oh, oh)
Nakakakilig (Oh, oh), nakakabaliw (Pag-ibig)
Napapakanta(Oh, oh) napapaisip Oh, oh)
Napapangiti (Oh, oh) nakakabaliw (Pag-ibig)

Binigyan 'ko siya ng chance para patunayan niya ang sarili niya sa akin. Gusto 'kong makasama siya ulit kaso.. Alam 'kong hindi lang isang beses nagkakamali ang isang tao. Ayokong patawarin siya dahil lang gusto ko siya. Gusto 'kong patawarin siya dahil napatawad 'ko na talaga siya.

Nakakatuwa (Oh, oh) nakakagigil (Oh, oh)
Nakakakilig (Oh, oh) Nakakabaliw (Pag-ibig)
Nakakakaba (Oh, oh), nakakaaliw  (Oh, oh)
Nakakakilig (Oh, oh), nakakabaliw (Pag-ibig)

Pagtatapos ng kanta. Matapos iyon ay lumapit siya sa table namin ni Eligia. Palapit na sana siya sa akin kaso ay hinatak ako ni Eligia na nakatayo na pala.

"Don't touch my Best friend!" Sigaw nito kay Jeremy.

"Pero, Eligia.." Nagmamakaawang ani Jeremy.

"Binigyan ka lang niya ng chance, Jeremy. Pero hindi ibig sabihin no'n ay pwede mo na siyang hawakan!" Sigaw pa ni Eligia.

"Maswerte ka, Jeremy." Bigla ay singit ni Josh na nasa likod na pala nila. "Dahil kahit nasaktan mo na ang babaeng mahal ko ay binigyan ka parin niya ng chance. Samantalang ako.." Natigil si Josh sa pagsasalita nang hatakin din siya ni Eligia sa likod nito.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now