JEREMY's POV
Ilang sandali lang ay narinig kong may kumatok sa pinto malamang ay si Kuya Jervic ipapa-kwento kung ano ang nangyari kaya naman nang marinig kong tumawag siya ay agad 'kong binuksan ang pinto para makapasok siya. Nang mabuksan ko ang pinto ay dere-deretso lang siya na umupo sa upuan na nasa gilid ng kama ko saka siya nangalumbaba sa lamesa nito. Agad naman akong sumunod saka humiga sa kama ko. Napansin ko ang pagiging buryo sa kaniyang mata at ang sabik niyang mga tenga na makinig sa kwento ko. Ilang sandali pa ay ramdam at dinig kong tumayo siya dahil sa tunog ng upuan. Kunot noo niya akong tiningnan dahilan para mapatayo ako saka napasandal sa headboard ng kama ko. Bored niya akong tiningnan malamang ay naiinip na dahil sa tagal kong mag kwento.
"Sorry!" Natatawa kong pagpapaumanhin bagamat seryoso pa rin ang kaniyang mukha. "There was a girl na pinagtripan lang namin ni Aldrin." Seryoso ko nang sabi. "Pinagpustahan, malamang pera rin naman 'yon, 1 month lang naman," pagpapatuloy ko.
"Mayaman ka, Jeremy. You don't need to do that. Unless gusto mong mapansin ka niya. Palagi. Ng ganoon katagal." Seryoso niyang sabi. Tama siya hindi ako makikipagpustahan ng ganoon katagal unless gusto ko lang magpapansin. Magpapatalo agad ako kung sakaling isang linggo na akong nanliligaw ay hindi pa ako sinasagot.
"Yeah, you're right, Kuya. Gusto ko na mapansin niya ako. Alam mo rin ba, Kuya.. siya lang yung kaunaunahang babae na pumatol sa pagiging masungit ko." Natatawa ko pang ani.
"E 'di nahanap mo na pala ang katapat mo?" Ngiti niya.
"Oo," tawa ko.
"Ang tanong may gusto ka na ba sakaniya?" Seryoso niyang ani.
Base sa tinanong kong signs kay Papa ay totoo.. may gusto ako sa kaniya. "Siguro?" Sagot ko saka nagkibit balikat.
"Not yet sure huh?" Sarkastiko niyang sabi.
"I'm not yet sure, Kuya."
"Nililigawan mo na ba siya ngayon?" Tanong niya pa.
"Yes," sagot ko seryoso pa rin.
"Dapat ay sure ka sa nararamdaman mo bago mo ligawan ang isang tao, Jeremy. Malay mo masyadong mababaw ang nararamdaman mo? Tapos niligawan mo yung tao, e 'di ang ending nasaktan mo siya dahil sa sobrang babaw ng nararamdaman mo, mabilis mag fe-fade ang feelings mo kung masyado itong mababaw, Jeremy." Seryoso niyang sabi. Ngayon ko lang siya narinig na ganoon kahaba mag salita.
"May pinaghuhugutan, Kuya?" Tanong ko.
"Meron." Ngiti niya.
"Sino?" Nagtataka kong tanong dahil ni minsan ay wala akong nakilalang babae na girl friend ni Kuya.
"Secret." Ngiti niya pa. "So.. anong nangyari at bumaba ang grades mo? Anong connection ng babaeng sinasabi mo? Anong ginawa niya para bumaba ang grades mo?" Derederetso niyang dagdag.
"Wala siyang ginawa, Kuya. Ako ang may ginawa.." seryoso kong ani.
"So anong ginawa mo?" Tanong niya habang nakataas ang kilay.
"Iniwasan ko siya.. to the point na hindi ko napansin na masyado ko na palang napapabayaan yung grades ko.. lagi kaming group mates sa mga project pero never akong umattend dahil nahihiya ako na sumama sa bahay ng classmates ko lalo na't kasama rin si Carrie do'n.." paliwanag ko rito.