Prologue

111 12 3
                                    

DISCLAMER: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

WARNING: This story is lame, so if you want to try reading lame story then you did a great choice.

Typographical and grammatical errors are always present, never been absent, HAHAHAHAHAHA funny.

This story is a work of fiction, therefore every chapters/scenes are all imaginations, have a mature scene/chapter and bad/hard language so please be ready..

Feel free to suggests anything that you want and you dislike, I would highly appriciate your opinion/s so that I can do my best to grant your request/s.

This story may or may not reach on your expectation/s but please kindly respect the story itself and drop your rants/opinions at the comment section. Please, enjoy reading! Mwah, aylabyu..

©️sieteclique;
Jenni

__________09/07/20/__________

"At the age of 8, sarili kong ina inabandona ako. First, diko alam kung bakit kase anong muwang ko noon?" Pagak akong napatawa habang nilalaro iyong ligaw na damo.

"That time...akala ko magiging palaboy na din ako pero mabuti si Lord e, he let me walk until I met lolo Isko and lola Maria. Mabait sila kaya naman never akong nagduda sakanila, kinupkop nila ako na parang tunay nilang anak. Sobrang nagpapasalamat talaga ako kase...they found me first, kase kung hindi sila? Baka sindikato iyong nakabingwit sakin." Tumulo iyong luha ko dahil naalala ko na naman iyong pangyayari na iyon.

"Pinag-aaral nila ako, binibihisan, pinapakain, at higit sa lahat...sobrang proud nila sakin." Ngumiti ako at tiningnan sya sa mata. This time, iyong itsura nya ay hindi ko maexplain.

"Naks! Ang brave naman pala nitong Kyshilabs ko...so wag ka nang malungkot kase hindi bagay sayo na magdrama," akala ko pa naman seryoso iyong sasabihin nya, pero ayos na din iyon dahil pinagagaan nya iyong pakiramdam ko.

"Kyshilabs ka dyan! Ikaw Dwaine-y, konti nalang talaga ihahampas ko 'yang ulo mo dito sa bat mo," brutal kong sabi pero ang gago hinalikan lang ako.

"Tara, date tayo..medyo nawawalan na tayo ng time sa isa't isa kase busy ako sa sport ko tapos ikaw busy ka sa part time job mo...konti nalang magseselos na ako dyan sa trabaho," ngumuso sya tapos pilit syang nagtatampo kaya naman piningot ko iyong tenga nya. Walang hiyang lalaki, pati trabaho ko pagseselosan?

"At konti nalang talaga matatanggal yang ulo mo sa katawan mo, subukan ko lang." Masinsinan ko syang tinitigan at ang loko napatayo at hinawakan na parang pinoprotektahan ang kanyang alaga.

"Sadista kang talaga, Kyshilabs! Kung tatanggalin mo itong alaga ko, edi hindi na kita mapapaligaya? Kung ganon ay hahanap kana ng iba at iiwan ako.." Baliw ba 'to? Nagdrama syang parang umiiyak kaya naman tumayo na din ako dito sa field at pinagpagan ang suot ko.

Sinisiguro ko na mabibisita ko si Dwaine sa field kahit na busy ako dahil alam ko ang hilatsa ng bituka non, mag tatampo iyon at magdadabog sa harap ng room namin. Noon kasi, mahigit isang linggo ko syang hindi pinuntahan sa field dahil nagkaproblema sa bahay at may trabaho ako at mayroon akong dapat ipasa na requirements tapos noong nagsisimula ng magturo iyong prof namin, nakarinig nalang kami ng pag tama ng isang bakal na may matinis na tunog doon sa railings kaya naman ng lumabas iyong prof namin ay bigla syang sumigaw ng,

"Mr. Almarico! What the hell is your problem? You're ruining my business here." Sabi ni prof then noong narinig ko yung pangalan nya ay dali-dali akong naki-isyoso at ang gago! Ayon parang tangang nagdadabog habang nakasimangot.

"Sir! Ilabas nyo si Kyshilabs! Parang-awa nyo na po, mamamatay ako dito ng walang alisan sa tayo kung hindi ko makikita ang Kyshilabs ko.." Mapagdabog nyang atungol!

"Ms. Trinch, you may now go and leave this room because you're also ruining my lessons," kaya ang ending napalabas ako habang ang gagong si Dwaine, ang laki ng ngiti at pwede ka ng manalamin sa kintab ng ngipin nya dahil sa sobrang ngiti nya.

Pumasok na sa loob ng room ang prof namin at sinarado ang pinto. Nilapitan ko naman si Dwaine at sinuntok ang braso, lokong lalaking 'to ah?

"Mr. Dwaine Alyssd Almarico, pakyu ka!" Nanggagalaiti kong sabi at dali daling bumaba sa hagdanan habang sya ay panay ang tawa.

"Mrs. Yakyshi Diara T. Almarico, alam mo bang napaka saya ko ngayon? Tara na at mag date tayo, aba! Ang grabe mo dito sa asawa mo dahil mahigit isang linggo mo akong hindi pinuntahan sa field! Alam mo ba kung gaano ako kalungkot non?" drama talaga nitong lalaki na to, aba't parang premature pinanganak to ha? Ipasok ko kaya ulit ito sa incubator kase parang naiwan iyong kalahati ng utak nya.

"Punyeta ka! Anong Mrs. Almarico? Anong asawa? Gago! Hindi ako mag-aasawa ng katulad mong basta nalang nagdadabog," inis ko paring sabi kaya naman tumakbo sya palapit sakin at inakbayan then pasimpleng humalik sakin. Putcha naman, balak ba nyang gawing jelly ace itong mga tuhod ko?

"Sus, gusto mo lang ang lambing ko...dapat nga ako itong sinusuyo mo.." Demanding nyang sabi kaya naman nag habulan kami palabas ng building.

Bakit ba kase ako nagayuma nitong duwendeng lalaki na ito?




•___•

Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon