Chapter 9

11 4 0
                                    

"Para po," sigaw ni Dwaine kaya napaayos ako ng upo, nagtaka ako dahil nang makababa na kami ay nasa harap kami ng 7-eleven.


"Dwaine, bakit tayo nandito? Akala ko ay diretso na tayo sa bahay?"


"Bili muna tayo ng pampagaan ng loob," ngisi nya kaya naman napangiti ako, naging one time life saver ko na sya noong nagkakilala kami. Naalala ko once a week, lagi kaming nagdidate at lagi kaming laman ng OhFooDelicoius dahil bukod sa eat all you can ay sobrang sasarap ng mga pagkain doon kaya naman sulit.


Bumili kami ng cup noodles at tinuro ng cashier kung saan ang mainit na tubig at nang makarating kami doon ay si Dwaine na ang naglagay ng mainit na tubig sa cup noodles ko dahil nanginginig iyong mga kamay ko, dahil siguro hanggang ngayon ay iniisip ko parin iyong nangyari.


Umupo kami sa bench area at habang hinihintay na lumambot iyong noodles ay nagtingin tingin naman kami ni Dwaine ng pwede pang kainin, napadako iyong paningin ko sa chips delight at naalala ko na naman si Yngrid, sobrang paborito nya iyon at hindi nya talaga titigilan ang pagkaing ito hanggat hindi nangangalay ang kanyang panga, napangiti nalang ako dahil naalala ko iyong itsura nya kapag inaasar sya ng kuya nya.


"Gusto mo yan?" Tanong ni Dwaine kaya naman napatango nalang ako.


"So, sino na ba ang manlilibre satin? Hindi kona tanda kung sino ang sunod," sabay kamot sa batok, mannerism na nya ata iyon.


"Huh? H-hindi ko na din a-alam," nahihiya kong sabi kase talagang hindi ko matandaan dahil pumapasok parin sa isip ko iyong pangyayari kanina.


"Sige, ako nalang ulit ang manlilibre at sa susunod sa date natin ay ikaw naman," ngiti nyang saad kaya naman napangiti na din ako at tumango.


Kumain na kami at inubos iyong mga pagkaing binili namin, nagtawanan kami ni Dwaine sa korni nyang jokes at doon lamg napawi iyong kabang nararamdaman ko kanina.


Nag-arkila kami ng tricycle at sinabi ang address namin, habang magkatabi kami ni Dwaine ay bigla ko nalang naalala na monthsary namin next weekend.


"Dwaine-y?" Malambing kong sabi kaya naman ay loko biglang ngumiti dahil narinig kong tumunog ang labi nyang nakatikom,


"Kyshilabs naman! Kinikilig ako sa 'Dwaine-y' mo, isa pa nga," hiling nga kaya naman binatukan ko sya.


"Iyang kaharutan mo ah? Bawas bawasan mo.."


"So, bakit nga? May gusto kabang sabihin?" curious nyang tanong.


"Next weekend na iyong monthsary natin, ano..saan mo gustong pumunta?" Kunwaring nag-isip pa ang loko.


"Sa Tagaytay, want mo?" Sabi nya kaya naman naisip ko ang Tagaytay, hmm pwede.


"Sige, gusto mo..doon tayo magpalipas ng weekend? I mean Friday night mag byahe na tayo.." Suggestion ko kaya naman sumang-ayon naman sya.


Huminto ang tricycle kaya naman bumaba at nagbayad na si Dwaine, binuksan ko ang pinto ng bahay at pinindot ang ilaw at bumukas ito.


"Dwaine, pasok ka..." Anyaya ko dahil first time nyang nakapunta sa bahay dahil hanggang kanto lang sya noon kapag hinahatid nya ako.


"Kyahilabs..ikaw lang m-mag-isa d-dito?" Kabado iyong boses nya kaya naman naisip kong may kalokohang nangyayari sa loob ng isip nya.


Ngumiti ako mg matamis at mapang-akit na pinikit-mulat ang mga mata, "What if I say na...tayo lang ang nasa bahay?" Nagpipigil na ako ng tawa dahil nakita ko syang lumunok.


Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon