Chapter 26

10 3 0
                                    


Tatlong araw narin ang nakalipas noong may nangyaring katangahan kay Dwaine dahil noong niregla ako at nagkaroon ng PMS ay inutusan ko syang kumuha ng napkin at pagkatapos noon ay humingi rin sya sakin para maitry daw nya, noong sinabi nyang comfy daw yon sa balls nya ay natawa ako dahil pagkahiga nya sa tabi ko ay para syang first time nagpahinga sa nakakapagod na gawain.


Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko noong narinig kong may kumatok, "Apo?" Tawag sakin ni lolo kaya naman tumayo ako sa higaan.


Habang palapit ako sa pinto ay sumigaw ako ng bahagya, "Wait lang po lolo," sabi ko at nang makarating na sa pintuan at mabuksan, "Pasok po kayo," saad ko at mas nilawakan ang pagkakabukas ng pinto.


"Ah apo, request sana..pwede mo ba kaming imassage ng lola mo?" Sambit ni lolo kaya naman tumango nalang ako.


"Sure, wait lang po at kukunin ko lang po mga gamit," paalam ko habang tumungo ako sa drawer ko kung saan nakatago ang ibang mga gamit ko.


"Ah lo? Hintayin nyo nalang po ako sa may bakuran, sama nyo na rin po si lola," saad ko habang hinahalungkat ang mga gamit ko.


"Osya, hihintayin ka nalang namin apo," at umalis na si lolo sa kwarto, naghanap pa ako ng mga gamit ko para sa massage session namin mamaya nila lola.


Tumunog ang phone ko kaya naman kinuha ko iyon para icheck, text iyon ni Dwaine at sinabing may pupuntahan muna daw sya bago pumunta rito sa bahay, kaya naman nag reply nalang ako na mag-iingat sya doon.


Nang mahanap kona lahat ng kailan ay lumabas na ako at pumunta sa bakuran, nakita kong nag-uusap sila lolo at lola kaya naman naglakad ako ng mabagal, nakita kong nakangiti si lola habang may sinasabi so lolo.


"Lolo! Lola," nakangiti kong sambit.


"Read na po kayo?"


Nagthumbs up si lolo, "Ready na! Ako muna ako, bago iyong lola mo.." Tumango nalang ako at inilapag ang mga gamit doon sa may lamesa.


"Maghahanda muna ako ng meryenda natin," paalam ni lola at nagtungo na sa loob ng bahay kung saan ang pintong binuksan nya ay ang kusina.


"Apo, si Alssyd nga pala...akala ko ba ay pupunta sya rito?" Tanong ni lolo kaya naman napaayos ako ng tayo at nilingon sya.


"May pupuntahan pa daw po sya kaya naman baka malate po iyon ng punta dito."


"Ay ganon ba? Sayang naman at may pag-uusapan sana kami," sabi ni lolo kaya naman nagtaka ako.


"Po? Ano po ba iyong pag-uusapan nyo?" Bigla nalang syang umiling kaya naman hindi ko na pinilit pa, simula na akong imassage si lolo.


Bali full body massage para relaxing, nagsimula ako sa ulo para pababa. Nilagyan ko ng oil ang mga palad ko at nagsimula na.


"Oh heto at mag meryenda muna kayo!" Napalingo kaming dalawa ni lolo dahil sa aya ni lola kaya naman napangiti ako, may dala si lola na pitsel na may laman na orange juice at empanada, umuusok pa iyon dahil bagong luto.


Lumapit ako kay lola at tinulungan sya, "Wow! Empanada, lola paborito ko po ito!" Masigla kong sabi kaya naman napatawa ng marahan si lola.


Kumain muna kami ng meryenda bago ko itinuloy ang pagmamassage, "Ang sarap po!" Puri ko kay lola kaya naman naman napangiti sya.


"Nako, itong apo ko oh..napaka bolera.."


"Hindi po, totoo pong masarap!"


Nagpatuloy na kami sa pagkain at nang matapos na kami ay nagpatuloy ako sa pagmamassage.


Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon