Chapter 32

8 2 0
                                    


Wala sa sarili akong nakayuko habang nakayakap sa aking mga binti, hindi ko alam kung anong gagawin ko...simula noong namatay si lolo at inilibing sya..wala akong kinausap, kahit si Dwaine ay hindi ako makausap.


Hindi ko matanggap na...wala na si..lolo...tapos si lola ay kinuha nila tita dahil hindi pa rin sya nakakabawi sa nangyari kahit na halos isang linggo narin ang nakalipas. Nandito lang ako sa kwarto ko, sa loob ng halos isang linggo na iyon ay hindi nagsawa sila Martin na intindihin ako kahit na hindi ko sila kinikibo.


"Kyahilabs.." Tawag sakin si Dwaine pagkapasok nya sa kwarto ko.


"Kumain kana, oh..namamayat kana," pagpapatuloy nya habang sinusuklay ang buhok ko.


Napayuko ako at nagsimula na namang umiyak, "D-Dwaine.." Tawag ko sa mahinang boses, masakit ang lalamunan ko dahil siguro dehydrated na ako.


"Ang..s-sakit..sakit.." Nahihirapan kong saad habang dinadama ang mga luhang dumadaloy sa aking mga pisngi.


Pinakalma nya ako sa pamamagitan ng kanyang mga yakap, "Shhh..nandito lang ako," pagpapalubag-loob nyang sabi sakin pero para akong manhid...hindi ko maramdaman na secured ako.


"Kyshilabs? Lumabas ka naman ng kwarto mo, oh..please? Sige na, magpakita ka naman sa mga kaibigan mo.."


"Paano? N-nahihiya ako...k-kase napaka..napakapa-importante ko..h-hindi ko man lang..naisip..kung a-anong...mga pinag..pinagdadaanan..nyo," nahihirapan kong sabi habang pinipigilan ang paghikbi ko.


"Importante ka naman talaga sakin, samin..please? I want my Kyshilabs back, my naughty girl...I want her back.." Malungkot nyang sambit habang nakayakap parin sakin.


Napapabayaan kona ang sarili ko, lalo na si Dwaine..si lola, gusto ko syang yakapin pero wala naman sya dito..hindi ko alam na ganito pala kasakit?


"Sige...hintayin mo lang ako, mag..mag-aayos lang ako...ng sarili ko," pilit ang ngiti habang sinasabi ko iyon.


Nakakahiya dahil pagkatingin ko sa sarili ko sa harap ng malaking salamin, napatampal nalang ako sa aking noo nang makita ko ang sarili ko...gulo ang buhok, malalim ang mga mata at may eye bags, bagsak ang mga balikat at namumulang mga mata at ilong pero putla ang mga labi, napangiti ako ng mapait ng maalala ko na namam si lolo...


Kaya ba...gusto na nya ulit magka apo? Kaya ba, lagi nya nalang akong kinukulit doon? Kaya ba..lagi syang nagrerequest sakin para lang makapag bonding kami? Kaya ba, gusto nya laging nasa bahay ni Dwaine kase...ganito ang mangyayari?


"Lo..bakit naman po, ganito?" Nagpipigil ako ng mga luha habang masakit ko iyong tinanong kay lolo kahit na wala na naman sya dito.


"Ang s-sakit sakit po.." Napabuntong hininga nalang ako at iwinaksi ang mga masasakit kong iniisip.


Naligo ako at nag-ayos ng sarili..pagkalabas ko sa kwarto ko ay naroon si Dwaine, may kausap sya sa cellphone nya.


"Sige, tawag nalang ako mamaya, bye." At tinapos na nya ang tawag, humarap sya sakin at ngumuti, "Hi, Kyshilabs.." Sabay halik sa noo ko at sa tuktok ng buhok ko.


"Sino yung kausap mo?"

"Ah, iyon ba? Kaibigan ko lang..nag-aaya lang.."

"Importante ba?"

"Hm..hindi naman masyado, katuwaan lang ng tropa,"

"Sumama ka...kailangan mo din naman iyon, maging masaya ka.."

Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon