Chapter 29

8 2 0
                                    


Mahigit isang linggo narin ang nakalipas noong ihatid namin sila Dwaine sa airport, at sa loob ng ilang araw na iyon ay minsan lang kami magkausap ni Dwaine dahil siguro nag-eenjoy pa sila sa pamamasyal at alam ko namang nagpapractice pa sila.


"Atengs!" Nagulat ako sa irit ni Martin, may mga dala syang pagkain.


"Kaloka, ano bang iniisip mo at nalulunod ako sa sobrang lalim?" Tanong nya at bumuntong hininga nalang ako.


"Bakla, nasan na daw ba sila?" Tanong ko kay Martin, ngayon kase ipapalabas sa TV ang highlights ng game nila Dwaine..ewan ko ba kung bakit highlights lang pero dahil siguro hindi lang dalawang team ang naglaban-laban noon.


"Malapit na daw, tara na at ihanda na natin itong mga binili kong pagkain," aya nya kaya naman tumayo na ako.


Dito kase kami manonood ng game nila Dwaine kaya naman napagpasyahan kong maglinis kahapon dahil nakakahiya kung dadating sila dito ng makalat.


Sina Amanda, Jenny, Aryella, Danielle, Sandy, Jomaica, Kaycee, Kristel at Martin ang mga kasama kong manonood mamaya tapos girl bonding na rin at isama mo na si Martin na girly heart.


Dahil nga supportive girlfriends kami ay panonoodin namin ang game nila.


"Ay, pak! Complete na!" Masayang sambit ni Martin kaya naman pumunta na kami sa kwarto ko.


"Feel at home mga sister, wait lang at iseserve namin ang meryenda natin," kaya naman pumunta kaming dalawa ni Martin sa kusina at kinuha ang mga pagkain.


Nagdala din kami sila ng pizza, ice cream, mcdo foods at mga junkfoods kaya naman paniguradong magsasawa kami, nag timpla ako ng juice para sa drinks namin kahit na may milktea at mcfloat pa rin silang dala.


"Tara kain na muna," aya ko sakanila.


"Thanks!"


"Thank you for the foods!"


"Wow, salamat!"


"Naks, ready na akong magcheat sa diet ko!"


Natawa kaming lahat dahil sobrang nag-eenjoy na kami sa dami ng pagkaing nakahanda para samin.


Sinet-up ko na ang TV, inalis ko din ang pagkakatali ng mga kurtina ko para dumilim at mas lalong makita ang panonoodin namin.


"Inuman na!" Irit ng masayang bakla, nagdala kase sya ng alak kaya naman dahil minsan lang kami mag bonding ay nilubos na namin.


"Shot! Shot!" Sigaw namin habang nakaka dalawang bote na kami, hindi ko masasabing mababa ang tolerance ko dahil hindi naman ako umiinom araw-araw para mapansin kung gaano kataas ang level na kaya ko.


"Guys! Tahimik na," seryosong sambit ni Kristel kaya naman nagsimula na kaming sumeryoso dahil magsisimula na ang game.


"Yie! Jowa ko yan!" Natawa ako dahil biglang sumigaw si Sandy.


"Jowa ko din yan!" Sabay naman ni Danielle.


"Babe ko yan!" Proud na sambit ni Aryella.


"Wow, ang pogi talaga ng baby ko!" Manghang sambit naman ni Jenny.


"Go sweety!" Cheer naman ni Jomaica.


"Oo na, oo na..kayo na may mga jowabels.." Sabay irap ni Martin kaya napatawa kami.


Pinakilala na ang baseball team ng Philippines at iyon ay sina Dwaine, pagkatapos ay ang kalaban nilang bansa at ang mga audience ay sobrang dami, pang international nga dahil baseball field palang ay sadyang pang international.


Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon