Chapter 17

8 3 0
                                    

Papunta na sana ako sa may field ng makasalubong ko si Amanda.

"Hi!" Bati nya kaya naman ngumiti ako.

"Hi, may class kapa?" Umiling lang sya.

"Ikaw?" Umiling lang din ako, "Tara sa cafeteria, chismisan tayo," napatawa ako dahil pakiramdam ko ay close na kami agad.

"Sure," saad ko nalang at lumakad palabas ng building, habang nasa hallway palang kami nag nag oopen na sya ng topic kaya naman sinasagot ko lang sya at minsan ay sya ang tinatanong.

"May boyfriend kana?" Nagulat ako sa tanong nya kaya naman tumango nalang ako,

"Hmm..oo, baseball player sya," sabi ko kaya naman namangha sya,

"Wow, lapitin ka pala ng player," tumatawa nyang sabi kaya naman napailing nalang ako. "So, nasaan sya ngayon?" Tanong nya ulit kaya naman tinuro ko ang field,

"Lagi silang may practice game, twice a week okaya naman ay thrice, depende sa okasyon," proud kong sabi.

"Wow, sana all." Natawa ako kase dati ay nagsasabi lang din ako ng sana all kapag nakikita kong sweet sila lolo at lola sa isa't-isa.

Tinuro ko si Dwaine na tumatawa kasama mga kateam nya, "Ayon sya, yung tumatawa na parang tanga," asar ko kaya nanlaki ang mga mata nya.

"Si Almarico? Wow, alam mo bang matunog ang pangalan nya sa building ng Education?" Inform nya, well kapag kase player ka o may ambag ka sa school ay magiging matunog talaga ang pangalan mo.

"So BS Education ka rin?" kaya tumango sya, "Naks future educator..teacher," at inalis na ang paningin nya sa field.

"Hmm oo, pero ayokong turuan ang secondary dahil may sarili na silang desisyon kaya doon ako sa mga bata, nahilig din ako sa mga bata noong sinama ako nila dad sa charity," masaya nyang sabi habang tumawa naman sya noong sinabi nyang ayaw nya sa secondary.

"Biology naman yung kinuha ko, pero noong una ay gusto ko ang culinary arts kaso kaya ko namang pag-aralan iyon ng mag-isa kaya nag take ako ng Biology," sabi ko naman kaya tumango-tango sya.

Pagkapunta namin sa cafeteria at umorder na kami, tatanggi pa sana ako dahil binayaran na nya lahat ng orders namin kaso ayaw nyang magpapigil.

"Sayang at hindi ko kasama si Martin," sabi ko sakanya, hindi ko kasama si bakla dahil whole day daw sya.

"Martin? Lalaki, so irereto mo ako?" Natutuwa nyang saad kaso umiling ako.

"Hindi, bakla yon. Mas maarte pa nga iyon sakin at baka talbugan ka din non," natatawa kong saad kaya naman napasimangot sya at humalum baba,

"Akala ko pa naman ay ikaw na ang sagot sa future jowa ko," nagtatampo nyang saad pero biglang syang tumawa, "Joke lang!" Nagkwentuhan pa kami at inubos iyong binili naming pagkain.

"So, see you next time?" Tanong nya noong nag exchange kami ng cellphone numbers para sa contact info naming dalawa.

"See you! Ah nga pala, birthday ko next weekend. Text ko nalang sayo ang address kase beach party daw, ipapakilala ko sayo ni Martin," huli kong sabi sakanya at naghiwalay na kami ng landas.

Pumunta ako sa field samantalang may class na si Amanda. Nakita kong nagpapractice sila Dwaine kaya naman umupo ako sa bench doon sa may silong.

Habang pinapanood ko ang moves ni Dwaine ay mas lalo ko lang syang minamahal, sobrang natamaan ako dito sa lalaking to.

Si Dwaine ang batter, habang nasa home plate sya ay napaka propesyonal nyang gumalaw kasama na din ang team nya, ibimato ng pitcher ang bola at malakas ng pinalo iyon ni Dwaine, umabot ang bola sa outfield kaya naman tumakbo ng mabilis si Dwaine, nakuha ng center fielder ang bola at ibinato sa second baseman pero malapit na si Dwaine sa short stop, nakipag habulan sya sa ka-team nya at mabilis na nakapunta sa third base para makapag base o isafe lang sarili, nang naka home run na sya, nakipag apir sya at iba naman ang sumunod na batter, mukhang hindi pa ako napapansin ni Dwaine dahil siguro ay focus sya sa practice at nasa lilom naman ako.

Naging pitcher naman si Dwaine, ibinuka nya ang dalawa nyang mga paa at itinaas ang isang paa at ibinato sa batter ang bola, umikot pa sya dahil nawalan siguro ng balanse dahil isang paa lang ang nakatuon sa lupa noong bumwelo sya ng bato.

Tumakbo ang kateam nya papunta sa first base pero nakuha ng left fielder ang bola kaya naman ibinato nya ito sa first baseman na si Jev pero nakapag base na si CK papunta sa second base, nang malapit na sa third base ang batter ay mabilis na ibinato ni Duke ang bola sa third baseman ma si Christian, naunang naitap ng third baseman ang bola bago pa man makapag base ang batter, hindi iyon home run pero ang saya parin nila lalo na ang batter si CK, nakipag apir ulit at nakipag fist bump sa isa't-isa.

Nakita kong lumapit ang coach sakanila, may sinabi ito at ang catcher naman ngayon ay si Dwaine, iba na ulit ang batter at iyon ay si Ivan. Iyong kaninang catcher si Kent ay naging bantay sa third base, bumwelo ang pitcher na si Terrence at mababa nya itong naibato kaya naman nasalo ito ni Dwaine, ibinato ulit ni Dwaine ang bola sa pitcher at nang makuha ay bumwelo ulit at ibinato na sa batter, malakas ang pagkakabato kaya ang right fielder na si CK naman ang humabol at sumalo sa bola, hinagis ng right fielder ang bola sa second baseman si Christian at mabilis na hinagis kay Kent kaya itinap nya ang bola sa base, papunta palang ang batter na si Ivan ay naitap na ni Kent ang bola kaya hindi ulit home run.

Natapos iyon at inalis na nila ang gears nila at nakipag apir, fist bumps at pinag-untog ang mga dibdib sa isa't isa. May sinabi ulit ang coach nila bago umalis sa gitna ng field at pumunta sa kani-kanilang benches, nakita kong kumaway si Dwaine kaya napangiti nalang ako, nakalapit na sya sakin at kinuha ko naman ang bimpo sa sports bag nya at pinunasan ko ang mukha nya.

"Talikod, Dwaine-y.." Malambing kong sabi kaya namam kinuha nya ang tumbler nya at itinaas ang uniform nya, pinunasan ko ang likod nya at ng natapos na ay ibinaba kona ulit ang shirt nya.

"Palit kana mg shirt, ang basa na oh," tumango nalang sya at biglang ngumisi,

"Ikaw? Basa kana? Pasalat nga.." Asar nya kaya naman piningot ko ang tenga nya, loko to ah.

"Gago! Baka akala mo bati na tayo? Hmp.." Nagtatampo kong sabi dahil kahapon ay hindi nya ako sinundo, hindi naman iyon big deal sakin pero nasaktan ako ng sabihin nya sa text na nakalimutan nya ako.

"Sorry na po, Kyshilabs..bati na tayo, okay? Kiss ko?" Sabay nguso kaya naman tinampal ko ng mahina ang bibig nya.

"Magpalit ka na," utos ko kaya sa mismong harapan ko sya mag hubad ng shirt nya, nanlaki ang mata ko dahil nasa field kami tapos ganoon nalang sya kung umasta, hulmadong humaldo ang kanyang katawan, ang alam ko ay hindi naman sya naggy-gym dahil nga batak sya sa practice, siguro ay iyon na din ang gym nya, ang field.

Nagpaalam na kami sa mga kasamahan nya, sa ilang buwang pagsasama namin ni Dwaine ay pati mga ka-team nya ay kilala ko na at nakakausap, minsan ay sinasama pa nila ako sa get-away nila dahil girlfriend naman daw ako ni Dwaine.

"So..tara sa bahay?" Aya ko, tumango lang sya at pumara ng tycicle, kapag kase nag jeep kami ay hanggang kanto lang ang byahe kaya naman kapag arkilado ang trycicle, door to door.

Hinila ni Dwaine amg batok ko at madiin ang hinalikan, tinugon ko iyon pero humiwalay din ng biglang nag preno ang sasakyan dahil may humps na dadaanan.

"Tangina, namiss kita ng sobra Kyshilabs.." Sabi nya habang naka akbay sakin. Malakas ang loob nitong lalaki na ito dahil kaming dalawa lang ang nasa loob ng sasakyan tapos wala ng masyadong tao sa daan.

"Asus.." Iyon nalang sinabi ko dahil hanggat maaari ay ayokong mag-away kami ni Dwaine dahil lang sa maliit na bagay.




•___•

Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon