Chapter 4

22 6 0
                                    

"Bakla! Namiss kita ng sobra!" Saka tumakbo palapit sakin itong si bakla,


"Namiss mo, pwet mo! E panay ka nga posts ng pictures mo together with your fafa's, tapos miss mo ako?"


"Eto namang si bakla...namiss talaga kita! Pero nag-enjoy din naman ako sa bakasyon ko dahil super daming fafa!" Wow huh? Ang saya naman nya?


"Nako style mo bulok, Martin!" Tas natawa ako kase umirap sya sakin tapos pinilantik nya ang imaginary long hair nya.


"Yuck ka dzai! It's Martina Louisse!" Kaya mas lalo akong napatawa dahil diring diri ang itsura nya dahil tinawag ko syang Martin.


"Okay, Martina Louisse, tara na at baka malate pa tayo," aya ko kase kablocmate ko sya. We're studying Biology, first subject namin ay Microbiology kaya patay na agad ang braincells namin.


Nang nakapasok na kami sa room namin ay tabi kaming sa upuan ni Martin doon sa likod ng first column. First day of class palang pero sasabog na agad ang utak ko,


"Good morning, I am your prof in Microbiology..." At nagsalita pa si prof pero itong si Martin ay dinadaldal pa ako, mabuti nalang at nasa likod kami kaya medyo hindi kami napapansin.


"Atengs! Alam mo bang super saya ko noong nag beach club kami ng mga sissy ko tapos nagsama pa sila ng mga fafa," pagchichismis nya kaya naman napabuntong hininga nalang ako dahil hindi naman ako interesado sa kalandian nya.


"Nako sinasabi ko sayo Martin, kapag ikaw nagka-sakit tingnan lang natin..." Panakot ko kaya ang bakla bigla akong kinurot sa tagiliran kaya naman nagulat ako.


"Bakla!" Sigaw ko kaya naman yung ibang kablockmates namin ay napatingin sa gawi ko.


"Hmm, Ms? What's the matter?" Kaya naman napatungo ako at sumagot,


"Nothing, prof. Please forgive me," then ayon forgiven daw.


Naghintay kami sa dismissal dahil introduction lang naman ngayon week na ito, yung iba ay nagdidiscuss na agad tapos ang ibang prof namin ay hindi na nakipag meeting samin. Ang malala ay iyong terror naming prof, nagpa-graded recitation na agad sya kaya naman yung iba samin ay halos mangatal na. Napansin ko ding namumutla at nanlalamig na ang mga kamay ni Martin dahil nakahawak sya sa braso ko, buti nalang at noong bakasyon ay nag review na ako dahil baka mawalan ako ng scholarship kapag bumaba iyong minemaintain kong grades.


Nang mag ring na ang bell ay ito na ang hudyat na dismissed na kami kaya naman itong si bakla ay nakahinga ng maluwag.


"Bakla! Muntik na ako doon, kung ako siguro ang natawag ay tiyak na maiihi ako," madrama nyang sabi kaya naman napatawa ako.


"Enjoy pa more," asar ko sakanya.


"Kalerki ka naman bakla!" Tapos umirap ang bakla.


"Tara sa Cafeteria, potanginis talaga bakla...tara na at ililibre kita," kaya nagpantig ang tenga ko.


"Kaya love kita, bakla!" Tapos binatukan lang ako nito, sadista din itong bakla na ito e.


Nag-ayos na kami ng mga gamit at inayos ko rin ang itsura ko dahil required na naman sa college na mag light make-up.


"Tara na," sabi ni bakla noong natapos syang magkilay. Sumunod naman ako sakanya at naglakad na kami papunta sa may hagdanan, nasa third floor pa naman kami tapos naka heels pa akong suot na sapatos dahil ganon ang required na shoes sa school.


"Putaragis! Pakiramdam ko kusa ng aalis itong mga paa ko," atungol ko dahil sobrang pagod namin pagkababa. 


"Heels pa more, bakla!" Pang-asar nya sakin sabay tawa ng pangmalandi.


"Ikiss kita dyan, bakla e.." Tapos nanlaki ang mga mata nya tapos tinulak ako ng mahina kaya ako naman iyong tumawa.


"Sige subukan mo, sisigaw ako ng rape!"


"Ulul mo, at sinong tanga ang maniniwala sayo?"


"Rape!" Sigaw nya at naunang maglakad sakin patungo sa cafeteria,


"Taris ka, bakla! Wait mo ako!" Kaya naman bumalik din sya palapit sakin dahil marupok sya.


Nasa kabilang building pa iyong cafeteria kaya naman bago pa kami makarating doon ay dadaan muna kami sa mahabang hallway tapos malawak na field, dito kase sa PCU ay ineespecialize nila iyong mga sports gaya ng; Basketball, Volleyball, Baseball at iyong ibang mental sports at wala akong alam sa mga iyon dahil hindi naman ako sporty.


Gusto ko man na sumali sa cheer dance pero hindi ko na pinatulan dahil sobrang busy ko na dahil bukod sa scholar ako ng PCU, kailangan kong mag sipag sa pag-aaral at sa bahay naman ay kailangan kong alagaan sila lolo dahil medyo matanda na sila, at may part time job ako sa Mcdo doon sa bayan para may dagdag pera ako kahit na suportado naman ng school ang allowance.


"Bakla, gusto mo ireto kita? Ang boring kase nitong college life mo dahil puro ka aral, bahay, trabaho. Aba! Kailangan na din ng dilig niyang kipay mo,"


"E ikaw? Kailan ka magtitino?" Bara ko sakanya kaya naman hinawakan sya ang mga hibla ng buhok ko at pinaglaruan,


"Si bakla naman...nandyan ka naman kaya you're my life saver!"


"Aba, maawa ka naman sa parents mo. Bawat tutor ko sayo ay may bayad," isa si Martin sa mga natutor ko at dahil etchosera sya, naging magkaibigan kami. Sayang nga at hindi ko sya naipakilala kina Yngrid noong panahong nandirito pa sila dahil laging nasa out of town kasama ang parents nya dahil nag-iisa lang syang anak.


Nang marating namin ang field na sobrang lawak pero napaka init dahil mag aalas-onse na rin ng umaga ay nakita ko na may manlalaro sa agad doon, sa pinaka silong ng field ay nandoon ang mga Volleyball players kasama ang coach nila at sa may gitnang parte ay ang mga baseball players, kahit na mainit ay nag-eensayo parin sila.


Ang haba naman nitong lalakarin namin ni bakla kaya paniguradong pagkarating namin sa cafeteria ay talagang gutom na kami at hingal.


"Bakla ang init! Nasaan ba kase iyong payong mo?" Kaya naman sya na din ang nagbukas ng bag ko at kinuha ang payong. Arte naman nito, habang pinapakealaman ni bakla ang payong ko ay natingin nalang ako sa field,


"Miss, ilag!" Sigaw noong player kaya naman napatingin ako at nanlaki iyong mga mata ko dahil sa sakit na naramdaman ko, tumama iyong bola ng baseball sa mismong mukha ko.


Napaupo nalang ako sa lakas ng impact noong tumamang bola sakin at nagpanic naman si bakla.


"Bakla, nako!" Sigaw nya at nakita kong papalapit na ang mga baseball players sakin kasama iyong coach nila.


Ipinilig ko iyong ulo ko dahil nakakaramdam ako ng pagdurugo nitong ilong ko.


Nanghihina ako dahil pilit kong nilalabanan itong sakit na kumakalat sa buong ulo at mukha ko.


"Miss, okay ka lang?"

"Miss, naririnig mo ba ako?"

"Miss?"


Panay ang mga tanong nila sakin at si bakla ayon pilit akong tinatayo pero sobrang nanghihina iyong katawan ko.


"Hold on, miss. Dadalhin kita sa clinic." Sabi noong isa sa mga player, medyo blurry na din ang paningin ko dahil nahihilo na ako.


Napakapit nalang ako sa leeg ng bumuhat sakin at ramdam kong nanginginig sya dahil siguro nagulat sya sa mangyari. Ang bilis ng lakad nya, para ngang tumatakbo pa sya at hindi man lang inisip iyong bigat ko. Pinipilit kong wag masyadong damahin itong sakit ng ulo ko pero hindi ko na kaya, sa sobrang lakas ng impact ng bola at pakiramdam ko nawala iyong kaluluwa ko.



  •__•

Beaten Base From Its Home (Gambol Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon